Alyssa Valdez hindi na itutuloy ang PBB journey, papalitan ni Sam Bernardo | Bandera

Alyssa Valdez hindi na itutuloy ang PBB journey, papalitan ni Sam Bernardo

Therese Arceo |May 02,2022
facebook
share this

Alyssa Valdez hindi na itutuloy ang PBB journey, papalitan ni Sam Bernardo

Therese Arceo - May 02, 2022 - 08:29 PM

Alyssa Valdez hindi na itutuloy ang PBB journey, papalitan ni Sam Bernardo

TULUYAN nang nagpaalam ang vollyball superstar na si Alyssa Valdez sa kanyang “Pinoy Big Brother” journey matapos itong magdesisyon na umatras sa final hamon ni Kuya na bumalik at ipagpatuloy ang laban sa loob ng bahay.

Nagdesisyon ang dalaga na huwag nang ipagpatuloy ang muling pagpasok sa Bahay ni Kuya dahil nakatakda itong lumaban sa papalapit na Southeast Asian Games o SEA Games.

Matatandaang isa si Alyssa sa nagwagi bilang Top 2 celebrity housemates ng “Pinoy Big Brother Kumunity 10” kasama si Anji Salvacion.

Pagkukwento ng atleta at miyembro ng Philippine women’s volleyball team sa kanyang pakikipag-usap kay Kuya, kinakailangan niyang isuko ang pwesto dahil sa napakaraming commitment.

“Dito po sa labas ng inyong bahau, meron pong mga commitments na kailangan ko din pong gampanan para po sa ating bansa. Magpi-prepare po ang national team para sa nalalapit na SEA Games,” saad ni Alyssa.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alyssa Valdez (@alyssa_valdez2)


Dagdag pa niya, “Sa Vietnam po ito gaganapin and hindi ko rin po masasabi kung kailan po matatapos, kaya naman po hindi ko po magagampanan at hindi ko ako makakabalik sa loob ng inyong bahay.

Tinanggap naman ni Big Brother ang desisyon ni Alyssa at sinabing suportado niya ito sa kanyang papalapit na laban para sa bansa.

At dahil nga hindi na tutuloy ang dalaga ay papalitan siya ng sumunod sa pwesto at sissy niyang si Samantha Bernardo.

Labis namang nagulat ang beauty queen na isa sa mga guest host noong gabing yon nang malaman niya pasabog ng kanyang malapit na kaibigan.

“Knowing me, hindi ako sumusuko sa ano mang pagsubok at hamon ng buhay. I am not a quitter and I will always say na okay lang sa akin na matalo as long as I fight ’til the end,” saad ni Samantha.

Dagdag pa niya, “So tinatanggap ko po ‘yon at isang malaking karangalan na ako ang kapalit ni sissy at laban natin ito, sissy.”

Kanina rin ay nag-post si Alyssa sa kanyang Instagram account at ibinahagi niya kung gaano siya ka-grateful sa kanyang PBB journey.

“It was really quite an experience being inside the PBB house.Got to learn so much from laughing so hard because I plucked Ate Brend’s armpit hair to crying because Kuya asked us to choose success over family….there’s also rapping, dancing, acting, cooking and a lot more!” pagsisimula ng volleyball superstar.

Dagdag pa ni Alyssa, “But what I treasure the most is being able to meet people I can call real and close friends. From different fields, it’s all about coming together to create amazing memories inside the house. Maraming salamat, kuya! Salamat PBB. Once a PBB housemate, always a PBB housemate! P.S collab natin kuya soon hehe.”

Nagpasalamat rin ito sa lahat ng sumusuporta sa kanya.

“To Alyfinity, Samly, TeamKiefer, TeamKiefly, Ravena Fam, sa family ko and friends maraming salamat sa walang sawang pagmamahal at supporta! Mahal ko kayo,” sey ni Alyssa.

Sinabi rin niya na suportado niya ang pumalit sa kanyang pwesto at ang sissy niyang si Samantha.

“To sizzy @samanthabernardo__ we’re all here to support you! Just enjoy and be yourself!”

Related Chika:
Alyssa Valdez, Sofia Andres nag-positive rin sa COVID, muling nagbabala sa publiko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alyssa, Anji waging Top 2 sa PBB 10; Madam Inutz, Brenda Mage, Samantha nagbabu na

Alyssa Valdez matapang na nagpahayag ng suporta kay VP Leni, handa nang harapin ang haters

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending