Alyssa, Anji waging Top 2 sa PBB 10; Madam Inutz, Brenda Mage, Samantha nagbabu na | Bandera

Alyssa, Anji waging Top 2 sa PBB 10; Madam Inutz, Brenda Mage, Samantha nagbabu na

Ervin Santiago |January 02,2022
facebook
share this

Alyssa, Anji waging Top 2 sa PBB 10; Madam Inutz, Brenda Mage, Samantha nagbabu na

Ervin Santiago - January 02, 2022 - 05:53 PM

Alyssa Valdez at Anji Salvacion

NAGBUBUNYI ang mga kapamilya, kaibigan at supporters nina Alyssa Valdez at Anji Salvacion matapos hirangin ang dalawang celebrity housemates bilang “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10” Top 2.

Ibinandera kagabi, New Year’s Day ang pagkapanalo ng dalawang celebrity housemates sa naganap na huling eviction night ng “PBB 10” na napanood sa ABS-CBN.

Si Alyssa ang nakakuha ng pinakamataas na “save” votes with 22.63 percent habang si Anji naman ang pumangalawa na may 13.60 percent na boto.

May 13.53 percent naman ang beauty queen na si Samantha Bernardo; 13.03 percent ang internet sensation at viral online seller na si Madam Inutz at 2.84 percent naman ang komedyanteng si Brenda Mage.

At dahil sila ang nakakuha ng pinakamababang boto, tuluyan na nga silang nagpalabas mula sa Bahay ni Kuya.

“Alyssa at Anji, binabati ko kayo dahil pinatunayan ninyo na sa pamamagtian ng galing ng diskarte, pakikisama, at pagiging tooto sa sarili at sa kapwa, hindi imposibleng makamit ang inyong mga pangarap,” ang mensahe ni Big Brother sa Top 2 housemates.

Dagdag pa ni Kuya, “Salamat at mula sa larangan ng inyong kinabibilangan bilang celebrities ay nakapagbigay kayo ng kabutihan at inspirasyon para sa ating mga Kapamilya. 

“Lubos ko kayong ipinagmamalaki bilang mga celebrities at bilang aking mga housemates. Muli binabati ko kayo aking Celebrity Kumunity top two,” aniya pa.

View this post on Instagram

A post shared by Pinoy Big Brother (@pbbabscbntv)

Alexa feeling ‘big winner’ kahit napalayas na sa PBB: I have done nothing but show my true colors!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending