Alyssa Valdez nalalapit nang mag-retire sa pagba-volleyball?
NAGING bukas ang tinaguriang Phenom of the Philippine Volleyball na si Alyssa Valdez tugkol sa pagtigil sa paglalaro ng volleyball.
Sa kanyang naging guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda”, nausisa ang dalaga hinggil sa kanyang volleyball career.
“Ano ba ang retirement age ng volleyball players?” Tanong ni Tito Boy kay Alyssa.
Sagot ng dalaga, wala raw masyadong basis sa Pilipinas para sa mga manlalaro ng volleyball dahil wala pa masyadong women’s sports na nagpo-professionalize.
Baka Bet Mo: Alyssa Valdez nagbigay ng update sa kanyang knee injury: ‘Long way to go but slow progress is still progress’
View this post on Instagram
Kasunod nito ang pag-amin ni Alyssa na nakikita niya ang sarili na magpapaalam na sa propesyong ito.
“I feel like medyo malapit na rin ako Tito Boy kasi… I’ve been playing for the past 20 years already. I wanna learn more most especially after my injury.
“Hindi ko na rin tinatanggal sa isip ko na in reality talaga, matatapos at matatapos ang playing time ko,” pgbabahagi ni Alyssa.
Hindi naman nilinaw ng dalaga kung ilang taon pa siyang maglalaro ngunit alam niya sa sarili na nalalapit na ito at pinagpaplanuhan na rin niya kung ano ang maaari niyang gawin pagtapos nito.
Inamin rin ni Alyssa na gusto niya pang i-explore ang iba pang mga bagay na maaari niyang gawin at pagtuunan ng pansin matapos ang pagiging atleta.
“I’m trying to embrace ‘yung growth na nangyayari sa akin kasi siyempre at the end of the day, I’m thinking of… planning for the future so ano pa ang bagay ko.
“So now I’m trying talaga other things [like] hosting, news anchor, and other things,” sey ni Alyssa.
Nagpakita naman ng pagsuporta si Boy sa iba pang plano ng sikat na volleyball superstar.
“I’m trying to divert also and explore the business side of things,” sey pa ni Alyssa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.