Alyssa Valdez matapang na nagpahayag ng suporta kay VP Leni, handa nang harapin ang haters
USAP-USAPAN ngayon ang Filipino volleyball superstar at PBB Kumunity 10 celebrity Big 2 na si Alyssa Valdez matapos nitong ipahayag ang pagsuporta kay VP Leni Robredo na kasalukuyang tumatakbong sa pagkapresidente.
Sa kanyang Twitter account ay ibinahagi niya ang isang artcard na may larawan at mensahe ng pagsuporta kay Robredo. Mukhang handa na siyang harapin ang sinumang mangnenega at babanat sa pagiging bukas sa usaping politika.
“Iboboto ko si Leni dahil sa lider na tapat, maaasahan ang serbisyong nararapat sa bawat Pilipino,” saad ni Alyssa.
#IbobotoKoSiLeni #AngatBuhayLahat #athletesforleni #10RobredoForPresident#KulayRosasAngBukas#LeniKiko2022
💕 pic.twitter.com/g6L4Iz8QFb— Alyssa Valdez (@AlyssaValdez2) March 2, 2022
Umani naman ng iba’t ibang komento ang matapang na pagpapahayag ng atleta patungkol sa kanyang sinusuportahang politiko.
“I think this is one of the rare instances that Alyssa has been vocal about her stance on important issues like the election. Kaya alam niyo na. When she speaks, listen,” sey ni @AlexGalexy16
Hirit naman ni @maryjhoanaaa, “The power that Aly Valdez holds. Grabe ang impact! I stan harder @AlyssaValderz2! I knew it was worth supporting you. I was one of those who would line up outside the arena to watch you play live. Alyssa Valdez is for Leni Robredo!”
May mga supporters si Alyssa na tila undecided pa sa kanilang iboboto sa nalalapit na eleksyon ang tila nakumbinsi matapos malaman kung sino at ano ang rason ng volleyball player sa kanyang ibobotong lider.
“Wala pa talaga ako mapili kung sino iboboto ko. Una ko napupusuan ay si Isko kaya sa kanya ako nakaturok.. Parang this time need ko naman kilalanin si Leni dahil tiwala ako sayo, alam ko na ang intensyon mo ay para sa nakararami,” saad ng netizen na si @morong_yaga.
Comment naman ni Twitter user @GrandBaldo, “Aly’s choice is my choice, not being dependent naman kasi I’m a new voter tapos I doubt sino iboboto ko. Si Leni or si BBM, eh kasi naman taga-Davai ako and now Alyssa is totally a kakampink, who is a role model to many and knows how to choose a leader. My final vote is for Leni.”
Bukod kay Valdez, nagpahayag rin ng suporta para kay Robredo ang kapwa volleyball player na si Jia Morado-de Guzman.
Sey ni Jia, “Iboboto ko si Leni Robredo dahil naniniwala akong siya ang tunay na lalaban para sa akin, para sa pamilya ko, at sa ating mga Pilipino.
Related Chika:
Alyssa Valdez, Sofia Andres nag-positive rin sa COVID, muling nagbabala sa publiko
Alyssa, Anji waging Top 2 sa PBB 10; Madam Inutz, Brenda Mage, Samantha nagbabu na
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.