Deanna Wong mas mabagsik humalik sa dyowang si Ivy Lacsina

Deanna Wong mas mabagsik humalik kesa sa dyowang si Ivy Lacsina

Ervin Santiago - September 30, 2024 - 06:35 AM

Deanna Wong mas mabagsik humalik kesa sa dyowang si Ivy Lacsina

Deanna Wong at Ivy Lacsina

RAMDAM na ramdam ng mga fans ang matinding pagmamahal sa isa’t isa ng LGBTQ couple na sina Deanna Wong at Ivy Lacsina.

Wala nang inhibitions at hiya-hiya ang dalawang volleyball superstar sa pagharap sa publiko para ibahagi ang kanilang love story.

Sa special guesting nila sa “Fast Talk with Boy Abunda”, nagkuwento ang celebrity couple tungkol sa pagsisimula ng kanilang relasyon at kung paano nila ipinaglaban ang isa’t isa.

Isa sa mga naitanong ni Tito Boy kina Deanna at Ivy ay kung sino ang mas magaling humalik sa kanilang dalawa. Unang sumagot si Deanna, “Ako!”

Baka Bet Mo: Deanna Wong, Ivy Lacsina sweet na sweet, netizens kinilig: ‘Status reveal naman diyarn!’

Nagkatinginan sina Deanna at Ivy pero hindi na sumagot ang huli at sumang-ayon na lamang ito sa kanyang karelasyon.

Samantala, itinuturing nina Deanna at Ivy ang kasikatang tinatamasa ngayon bilang isang malaking blessing.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Deanna Wong (@deannawongst)


Ani Deanna, isa sa mga sinisiguro niya ngayon ay ang pagiging grounded kahit na sikat na sikat na siya, “I remember where I came from, how I started, and who I was before.”

Sabi naman ni Ivy, totoong nawala ang kanilang private life mula nang makilala sila nang dahil sa paglalaro ng volleyball.

“Parang nagulat po ako at the same time talaga kasi parang private po ‘yung life mo before, tapos biglang ang dami na pong nanghihimasok,” pahayag ni Ivy.

Aminado naman ang magdyowa na tulad ng ibang atleta, dumarating din ang pagkakataon na inaatake rin sila ng stress at matinding pagod.

At isa raw sa mga ginagawa nina Deanna the Ivy para makapag-relax ay magbakasyon sa out-of-town o sa ibang bansa. Pareho raw silang mahilig sa beach.

Nauna nang inamin nina Ivy at Deanna na tulad ng ibang LGBT couple, hindi rin naging madali ang pagsisimula ng kanilang relasyon.

Nu’ng una raw ay utol ang nanay ni Ivy sa pag-iibigan nila ni Deanna, “Parang sa social media, parang ayaw po ni mama na nakakakita ng pictures namin together or kapag nagkakausap po sila ni mama makikita ko po talaga na ayaw niya po.”

Ngunit ipinaglaban daw ni Ivy si Deanna sa kanyang parents at sa iba pang taong nakapaligid sa kanila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivy Lacsina (@16ivylacsina)


“Parang nakikita niya naman po na masaya ako and ipinaglalaban ko talaga siya (Deanna),” chika ni Ivy na inilarawan ang partner bilang “everything” sa buhay niya.

Nagbigay naman si Deanna ng pamatay na mensahe kay Ivy, “Winner ka dahil ikaw nanalo sa puso ko.”

Reaksyon naman ni Ivy sa paandar na message ng kanyang dyowa, “Winner ka dahil mahal kita.”

Nagbahagi rin ng advice ang dalawang atleta para sa mga aspiring volleyball player sa Pilipinas.

Sabi ni Deanna, “Coming from my experience, kahit gustong-gusto mo na tumigil, ‘wag kang susuko talaga. Ang iisipin mo ‘yung long term, ‘yung future. What you reap is what you sow, ‘di ba?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para naman kay Ivy, “Kailangan mo siya tanggapin na mag-fail ka nang mag-fail para mag-improve.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending