Rita, Alexa todo paghahanda para sa musical play na ‘Liwanag sa Dilim’

PHOTO: Courtesy of JV Rabano of 9 Works Theatrical
VERY excited na sina Rita Daniela at Alexa Ilacad para sa upcoming musical play na kanilang kinabibilangan–ang “Liwanag sa Dilim” mula sa direksyon ni Robbie Guevara.
Para sa mga hindi masydong aware, ito ay isang original Pinoy musical na tampok ang mga kanta ng OPM icon na si Rico Blanco.
Nakapanayam ng BANDERA sina Rita at Alexa during the press visit noong February 12 at nachika nila sa amin na todo ang ginagawa nilang paghahanda para sa kanilang roles.
Ayon kay Rita, maliban sa prayers ay inaalagaan niya lalo ang kanyang katawan kung saan ay apat na linggo na siyang naka-diet meal plan.
Baka Bet Mo: Alexa Ilacad sa mga babaeng ayaw magkaanak: ‘Wag magpa-pressure
Ang goal niya raw kasi ay pumayat ng kaunti bago magsimula ang nasabing show.
“It’s something for my health and for myself na I think I have to lose a bit more weight before we open [the show] kasi this is a musical, [para] hindi ako mahirapang gumalaw,” sey niya.
“So this time, I’m challenging myself. This is really my preparation,” dagdag niya.
Paliwanag pa ng singer-actress, “Kasi siyempre pagkapanganak ko, bumalik din ako sa showbiz, so nahirapan talaga ako to lose weight and alam naman natin na isa sa trabaho ng artista ‘yan na kailangan talaga kahit papaano presentable pag lumabas sa screen.”
Si Alexa naman daw ay laging present sa rehearsals para pag-aralan at makabisado ang mga gagawin ng kanyang karakter.
“Well, I’m here everyday rehearsing basta walang schedule or kahit may schedule sa umaga, I’ll be here sa gabi doing my best,” saad niya sa amin.
Patuloy niya, “Non-stop reading the script, lines, thinking of ways to make my character better or make her shine din. And of course, the songs [I] study the songs.”
Nang tanungin namin ang dalaga kung ano ang pakiramdam na maging parte ng naturang musical.
Ang sagot niya: “Minsan tinatanong ko, bakit niyo ako sinama dito? Deserve ko ba? Kasi ang bigat ng mga cast…so you have to make good talaga.”
Pagbubunyag pa ni Alexa, “I’m very touched na naisip nila akong i-invite nila kasi they watched me sa ‘Walang Aray,’ so may nabudol pala ako doon.”
Sa part naman ni Rita, naikuwento niya sa amin kung paano siya nakapasok na maging cast ng show.
“When I knew that 9 Works [Theatrical] will finally open this prod, ‘Liwanag sa Dilim,’ I told Sir Santi [Santamaria], I wanted to be part of this prod then I auditioned,” chika ng celebrity mom.
Pagbabahagi pa niya, “Pinaghirapan ko rin naman po ito…Pinagdaanan ko po ‘yung pinagdaanan po ng lahat ng nakapasok dito sa show. Basta masarap sa puso na nakuha ko ‘yung role.”
Siyempre, bilang tampok nga ang maraming kanta ni Rico sa musical, inusisa na rin namin kung ano-ano nga ba ang favorite songs nila mula sa OPM icon.
Ang sagot samin ni Rita: “Ang hirap sagutin kasi marami akong naging favorites simula ‘nung ginagawa namin itong prod…parang wala na lang, parang pwede bang hard fan nalang ako ni Rico Blanco. ‘Yun nalang, solid fan.”
Para naman kay Alexa, “Balisong” at “Your Universe” ang bet na bet niyang kanta ni Rico.
“Balisong –I don’t know, I can’t even explain how that song makes me feel basta the moment I hear ‘your face…’ (kinanta ‘yung lyrics) parang nata-transport na ako to another universe, parang my out of body experience, pero I just love that song so much it gives me all the feels, especially ‘yung Your Universe, sobrang good vibes ang dala sakin ‘nung song and parang ang sarap magmahal kapag naririnig ko ‘yung kanta na ‘yun,” esplika niya.
Ang “Liwanag sa Dilim” ay iikot sa kwento ni Elesi na ayon sa 9 Works Theatrical, “an orphan on his quest to uncover the secrets of his past. Together with Cris, his trusted ally, they fight for justice — while an undeniable connection sparks between them and the people who challenge their hearts. This ignites a revolution that redefines their worlds.”
Ang mga bida diyan ay sina Khalil Ramos, Anthony Rosaldo, CJ Navato, Vien King, Alexa, at Nicole Omillo.
Tampok din sina Rita, Neomi Gonzales, Arnel Carrion, Boo Gabunada, Jon Abella, Raul Montesa, Rica Laguardia, Lani Ligot, at Jasper John Jimenez.
Mapapanood ang musical simula March 7 –tuwing weekends 3:00 p.m. at 8:00 p.m., pati na rin tuwing Biyernes at 8:00 p.m. sa CPR Auditorium, RCBC Plaza sa Makati City.
Ang tickets ay mabibili na sa Ticket2Me via https://ticket2me.net/LiwanagSaDilimMusical.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.