True ba, laging si Andrea Brillantes ang nagbabayad sa date nila ni Ricci Rivero? | Bandera

True ba, laging si Andrea Brillantes ang nagbabayad sa date nila ni Ricci Rivero?

Reggee Bonoan |May 30,2022
facebook
share this

True ba, laging si Andrea Brillantes ang nagbabayad sa date nila ni Ricci Rivero?

Reggee Bonoan - May 30, 2022 - 07:47 AM

Ricci Rivero at Andrea Brillantes

SANA hindi totoo ang tsikang ginagamit lang ni Ricci Rivero ang girlfriend niyang si Andrea Brillantes para mas lalo siyang sumikat.

Sinubukan din kasi niyang pasukin noon ang showbiz pero hindi siya nagtagumpay hanggang bumalik na lang sa paglalaro ng basketball.

Nagsimulang umingay ulit ang pangalan ng UP Maroon player nang ma-link siya kay Andrea dahil nga nakikita sila sa mga gimikan.

Hanggang sa naging magsyota na sila matapos “mag-propose” si Ricci kay Andrea at tanungin kung pwede niya itong maging girlfriend pagkatapos ng game nila ng FEU Tamaraws noong Abril 9.

At dahil sinagot naman kaagad ng aktres ang basketbolista ay halos araw-araw ay laman na sila sa social media pati na sa mga entertainment news websites.

Kaarawan ni Ricci nitong Mayo 25 at balitang sa Siargao Island nga sila nag-celebrate ni Andrea. Ang chika, ito raw ang birthday gift ng batang aktres kay Ricci kaya ibig sabihin, lahat ay gastos ng dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ricci Paolo Rivero (@ricciiirivero)


At dito na nagsimulang umugong ang tsikang ginagamit umano ni Ricci si Andrea dahil ang kumakalat na balita, sa lahat daw ng dates nila ay ang aktres ang sumasagot.

Hmmmm, wala kaming ideya sa isyung ito pero aalamin namin sa lalong madaling panahon kung totoong iba ang motibo ni Ricci sa pakikipagrelasyon kay Andrea.

Pero sa pagkakaalam namin ay may kaya naman ang pamilya ni Ricci at may sariling pera ang binata pero hindi namin inaalis ang paniniwalang mas malaking kumita si Andrea ngayon dahil sikat talaga ang aktres at milyones ang talent fee sa mga product endorsements kahit pa-post-post lang sa social media.

Bukas ang BANDERA sa panig nina Ricci at Andrea hinggil sa isyung ito.

Samantala, kahit hiwalay na ay nagpahayag naman si Seth Fedelin na okay sa kanyang magkatrabaho ulit sila ni Andrea considering na may project na sila ni Francine Diaz.

https://bandera.inquirer.net/314023/ricci-rivero-tinupad-ang-promise-sa-up-ikot-drivers-naibigay-na-ang-p200k-ayuda

https://bandera.inquirer.net/311882/ricci-rivero-sa-pag-convert-sa-kanya-ni-andrea-this-isnt-about-her-being-a-perfect-girlfriend

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/308329/andrea-brillantes-ricci-rivero-dating-na-ayon-sa-source-ni-mama-loi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending