Payo ni Pokwang sa panganay na anak: ‘Mahalin mo ang sarili mo, magtrabaho ka, mag-enjoy at mabuhay ka ng gusto mo!’
HUGOT na hugot ang mga advice na ibinigay ng TV host-comedienne na si Pokwang sa kanyang panganay na anak na si Ria Mae.
Sa dami ng mga natutunan ni Pokie sa nawasak na relasyon nila ng dating partner na si Lee O’Brian, nais niya itong ibahagi sa anak para magamit sakaling magkaroon na rin ito ng lovelife.
Sa isang panayam, sinabi ng Kapuso TV host-actress na napakahalaga ng self-love at respeto sa sarili bago pumasok sa isang seryosong relasyon.
View this post on Instagram
“Sasabihin ko sa kanya (sa anak) mahalin mo ang sarili mo. Kung gusto mong magtrabaho, magtrabaho ka.
“Siyempre, bilhin mo lahat ng gusto mo. Mabuhay ka ng gusto mo! Kung gusto mong mag-travel, enjoyin mo ang buhay mo,” pagbabahagi ni Pokie.
Dagdag pa niya, “Kasi lahat ako hindi ko nagawa ‘yun, eh. Kasi dumating siya sa akin, si kiyeme, sa kanya ako nag-focus.
“Yung kaligayahan ko so chururot bumble bee, pumokus ako masyado sa kanya at nakalimutan ko ang sarili ko,” chika pa ng komedyana na ang tinutukoy na “kiyeme” at “chururot bumble bee” ay si Lee O’Brian.
“Nakalimutan ko na gusto ko pala ng bagong kiyeme, bagong damit. Sa kanya ako nag-focus kaya sasabihin ko sa anak ko, ‘Love yourself para buong-buo ka. Para kapag nagmahal ka (buo rin),” ang punto pa ni Pokwang.
Sey ni Pokie, naiintindihan naman ni Mae ang trabaho niya bilang artista at sa murang edad naman ng bunso niyang si Malia ay ipinapaliwanag na rin ng aktres ang klase ng work na meron siya
“’Yung mga anak ko, pinaintindi ko sa kanila kung ano ‘yung trabaho ng mama. And pinalaki ko sila na huwag maging judgmental sa pamilya man, kaibigan o ano… huwag.
View this post on Instagram
“Saka pinaiintindi ko sa kanila na ang trabaho ng mama ay mapasaya at nagbibigay ng tuwa sa ibang tao at ito ‘yung ginawa kong paraan to provide for them at matupad ang kanilang mga pangarap,” aniya pa.
Dugtong pa ng Kapuso star, “Now, kung ang mga wino-worry naman ninyo ay ‘yung mga nangyayari sa akin at balang araw magku-question si Malia, ngayon pa lang po pinadadama ko sa kanya kung ano ‘yung pagkukulang ni chururot bumble bee, eh, 10 beses ko pong binibigay, pinupunuan ko ng 10 beses.
“And buti na lang talaga wala siyang na-invest sa anak niyang emosyon kaya hindi magku-question yung bata na ‘Where is he?’ Alam na ng bata na masaya kami.
“And ready rin naman ako sa kanya pag nagtanong siya. Siyempre, responsibilidad ko yon bilang nanay,” sey pa ni Pokwang.
Nagpapasalamat naman si Pokie kay Lord dahil sa sunud-sunod na blessings at mga projects na dumarating sa kanya, lalo pa’t nagpapatayo pa siya ng bahay.
“Siguro talagang dinadala ka ni God sa tamang ano…kung saan ka Niya… dito ka, dito ka!
“Siyempre, kailangan ko talagang magtripleng kayod, kasi ako lang talaga ang aasahan ng mga anak ko. Alam niyo naman ang mahal ng tuition ni Malia, and I want the best for her. Kung naibigay ko ‘yung best para kay Ate Mae, kailangan ganun din kay Malia,” aniya pa.
“Gusto ko sa mga anak ko, pantay ang makukuhang magandang edukasyon. Ganern! So, kayod nang kayod hangga’t kaya,” dagdag pa ni Pokwang.
Sa nasabi ring interview, marami ang nakapansin na mas gumanda ang awra niya ngayon, “Kapag napendeho, ‘di ba, dapat magpaganda ka lalo.
“Para any moment masalubong mo siya, errr! Ganern! Kesa naman magmumukmok ako. Tapos makikita ka niya, losyang na losyang ka. Magiging masaya siya lalo.
“Kailangan, ‘Maglaway ka! Dami kong trabaho, beh!'” ang super laugh na chika ni Pokwang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.