Hirit ni Pokwang sa mga bashers: 'Baka mas mayaman pa sila kay Bill Gates kaya walang alam gawin kundi mag-Marites' | Bandera

Hirit ni Pokwang sa mga bashers: ‘Baka mas mayaman pa sila kay Bill Gates kaya walang alam gawin kundi mag-Marites’

Ervin Santiago |May 11,2023
facebook
share this

Hirit ni Pokwang sa mga bashers: ‘Baka mas mayaman pa sila kay Bill Gates kaya walang alam gawin kundi mag-Marites’

Ervin Santiago - May 11, 2023 - 07:34 AM

Hirit ni Pokwang sa mga bashers: 'Baka mas mayaman pa sila kay Bill Gates kaya walang alam gawin kundi mag-Marites'

Pokwang

MARAMING nag-react at nagkomento sa isang hugot ng Kapuso comedienne na si Pokwang na pinaniniwalaang patungkol sa kanyang dating partner na si Lee O’Brian.

Trending at nag-viral ang Instagram photo ng komedyana na ibinahagi niya nitong nagdaang Lunes May 8, kung saan ikinumpara niya ang kanyang itsura noon sa awra niya ngayon.

Makikita sa first picture na may hawak siyang isang putahe pero kapansin-pansin na wala siyang kaayus-ayos habang sa isa namang litrato ay todo-make-up with matching bonggang OOTD.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sabi ni Pokwang sa kanyang caption, “Ako noong halos walang oras para sa sarili maalagaan at mapakain ka lang hahahhahahaa ako ngayon nang matauhan at mahalin naman ang sarili tah kaa!!!! BOOM!!!!”

Sa comments section, isang netizen ang nagsabing mukha naman siyang maligaya kahit na pagod na pagod na siya. Nakikita raw niya ito sa mga mata ng komedyana.

“Pls don’t take it the wrong way po Miss Pokie pero iba po yung sigla ng mata mo sa first pic.. You look genuinely happy. Eyes can’t lie,” ang komento ng IG followers ni Pokie.

Sinagot siya ng Kapuso TV host-actress ng, “Genuine din kasi yung love na binigay ko kaya ganon.”

Baka Bet Mo: Lolit Solis kay Pokwang: Ang cheap ng dating ng sinasabi niya sa ex-partner…para bang hinahabol pa

May isa namang IG user na nagtanggol may Pokwang, “I feel you po. nakakainis Yung mga kumukuda online giving feedbacks to your posts. hayaan ka nlng nila maglabas Ng kung ano gusto mo sabihin bcoz it’s your pain.

“Ginagawa ko din Po yan. parang part ko Po Ng paghinga, paglabas Ng nararamdaman laban lang po and don’t be affected of those who invalidate your feelings,” ang komento pa ng netizen.

Reaksyon naman ni Pokwang, “Mga hindi busy mga walang magawa para umunlad ang buhay hahahahhaha baka mas mayaman pa sila kay Bill Gates kaya walang alam gawin kundi mag marites sa mga post ko mga animal nayan.”

Narito pa ang ibang reaksyon ng mga netizens sa IG post ni Pokie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


“First time to comment in ur post, actually napansin ko itsura mo sa vlog nyo b4 at ma’s lalo kung napansin asawa mo, parang hndi sya true sayo nkikita ko sa mukha nya, napaisip din ako na cguro pal mo lang sya.”

“Iba p din kapag may nagmamahal. Nan jan naman mga anak mo hugot k nlng ng lakas. Mahirap mapunta sa maling tao.. yung tipong ikaw lang ang nagmamahal tas yung isa nanggagamit lang!”

“Ang sarap mo talaga maging mother kasi ang galing mo sa lahat Tama ka diyan itspokwang27, sobra kang magmahal ibinigay ang lahat, inalagaan mo sobra sobra , almost wala ng natira sa sarili at least bago naubos natauhan, joke lang. Sobrang bait mo kasi.”

“Truts! Ayos na din yung mamang at least natanggal na yung toxic sa buhay mo… Kesa ikaw lang yung kumakayod, nagtataguyod at nagmamahal. Ano man yung nawala sayo mamang doble ang balik ng swerte sau.”

“Everything has a reason.Malia ay kailangang ipanganak kaya Ng meet kayo moreover narealized mo na mas kailangan mo mahalin Ang sarili muna.Great job Ms. Pokwang.”

“Kaya mo yan mommy Pokwang..may mga tao talaga d marunong mag pahalaga or di alam ano ang halaga nang isang tao dahil ang alam lng nila ay manggamit o self gain.”

Ayon kay Pokie, two years na silang hiwalay ni Lee ngunit noon lamang July, 2022 nang bumandera ito sa publiko.

Pokwang nawindang sa mga ‘madaling makalimot’, bilib sa mga taong pinapahalagahan ang boto

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lolit Solis kay Pokwang: Ang cheap ng dating ng sinasabi niya sa ex-partner…para bang hinahabol pa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending