Lolit Solis kay Pokwang: Ang cheap ng dating ng sinasabi niya sa ex-partner...para bang hinahabol pa | Bandera

Lolit Solis kay Pokwang: Ang cheap ng dating ng sinasabi niya sa ex-partner…para bang hinahabol pa

Pauline del Rosario - March 06, 2023 - 12:31 PM
Lolit Solis kay Pokwang: Ang cheap ng dating ng sinasabi niya sa ex-partner...para bang hinahabol pa

NAKISAWSAW na ang kolumnistang si Lolit Solis sa pinagdadaanan ngayon ng comedienne-actress na si Pokwang patungkol sa dating karelasyon na si Lee O’Brian.

Tila hindi kasi nagugustuhan ni Manay Solis ang mga ibinabatong matatalim at maaanghang na tirada ng komedyana laban sa tatay ng kanyang anak na na si Malia.

Ang unang komento pa nga niya kay Pokwang base sa isang Instagram post ay “cheap” at tila naghahabol pa sa kanyang dating partner.

Sey ng kolumnista sa post, “Alam mo ba na napaka-cheap ng dating ng mga sinasabi ni Pokwang dahil para bang bitter na bitter siya sa hiwalayan nila.”

Patuloy pa niya, “Para bang hinahabol pa niya iyon EX dahil ayaw niya tumigil mag-comment tungkol dito.”

Paliwanag pa niya, mas hahaba pa kasi ang usapin sa isyu kung panay na sumasagot si Pokwang sa ilang mensahe ng madlang pipol.

“Di ba mas classy sana na wala lang, ok lang, go kung go. Kasi pag nagbigay comment ka pa hahaba pa, eh kung talagang wala ka ng paki, di tahimik lang,” saad ni manay Solis.

Dagdag niya, “Hindi sumasagot si EX, walang reaction, so ibig sabihin mas naka move on ito kesa kay Pokwang.”

Nagbigay pa siya ng payo sa komedyante na wag nang magsalita at magbigay ng komento tungkol sa natapos na relasyon.

“Kaya kung ako si Pokwang chill lang, tahimik lang, wah na comment. Mas maganda pa iyon para sa kanya, mas magiging class pa siya. Tutal may career pa siya iyon na lang harapin niya, snob na niya issue tungkol sa EX at sure ako mas bongga pa siya di ba,” payo niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Kamakailan lamang ay muling binanatan ni Pokey si Lee nang sagutin niya ang ilang netizens na nagkomento sa kanyang latest Instagram photo.

Napansin ng kanyang IG followers na blooming at glowing ang itsura niya ngayon. Comment ng isang netizen, “Ma, iba ‘yung glow mo ngayon sa trueee lang.”

Ang diretsahang reply ng Kapuso host at aktres, “@hialvinmartin kasi nga nak wala na akong patabaing biik bwahahahahaha!”

Hindi man pinangalanan ni Pokwang ang taong tinutukoy niya, malinaw sa kanyang mga hugot na si Lee ang kanyang pinatutsadahan.

Dati na ring tinawag ni Pokwang ang dating dyowa ng inutil at palamunin.

Aniya, siya ang bumuhay kay Lee sa loob ng anim na taon nilang pagsasama.

Never din daw nagbigay kahit magkano ang aktor para sa limang taong gulang nilang anak na si Malia.

Nitong nagdaang March 2, nabanggit ni Pokwang na inaayos na niya ang mga legal papers para tanggalin ang apelyido ni Malia na “O’Brian” at gawin na itong “Subong.”

Related chika:

Pokwang inaming pinagtakpan noon si Lee O’Brian: Umaasa pa akong maaayos pa kami

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pokwang nawindang sa mga ‘madaling makalimot’, bilib sa mga taong pinapahalagahan ang boto

Pokwang hinabol ng ‘samurai’ ang asawa dahil sa selos: Iyak siya nang iyak!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending