Pokwang maraming manliligaw pero ayaw munang magdyowa uli, pwede pa rin sa foreigner: 'Pero dapat ‘yung may trabaho na, may sariling kita' | Bandera

Pokwang maraming manliligaw pero ayaw munang magdyowa uli, pwede pa rin sa foreigner: ‘Pero dapat ‘yung may trabaho na, may sariling kita’

Ervin Santiago |August 15,2023
facebook
share this

Pokwang maraming manliligaw pero ayaw munang magdyowa uli, pwede pa rin sa foreigner: ‘Pero dapat ‘yung may trabaho na, may sariling kita’

Ervin Santiago - August 15, 2023 - 07:15 AM

Pokwang maraming manliligaw pero ayaw munang magdyowa uli, pwede pa rin sa foreigner: 'Pero dapat ‘yung may trabaho na, may sariling kita'

Lee O’Brian at Pokwang

IN FAIRNESS, marami naman daw mga lalaking nagpaparamdam at nanunuyo ngayon sa Kapuso TV host-comedienne na si Pokwang.

Pero mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para makipagrelasyon muli ang komedyana dahil siya na mismo ang nagsabi na mas gusto niyang mag-work muna nang mag-work para sa future ng anak niyang si Malia.

Sa isang episode ng “Dapat Alam Mo!” na napapanood nang sabay sa GMA 7 at GTV,  sumalang si Pokwang sa lie detector test at game na game na sinagot ang tanong ng mga host na sina Kim Atienza at Susan Enriquez.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Isa na nga riyan ang tungkol sa kanyang mga suitors. “Maraming nag-a-apply. Kaya lang naku sandali, kapag nalaman niyo ‘yung monthly amortization ko baka hindi na kayo magparamdam,” ang tawa nang tawang sagot ni Pokie.

Sa kanyang mga manliligaw, may nagugustuhan na ba siya? “Wala, ayoko muna ngayon. Hindi ‘yan ang kasagutan sa akin. Kuya Kim, magtatrabaho tayo nang magtatrabaho, ‘yun ang goal ko ngayon.”

Baka Bet Mo: Pokwang inaming pinagtakpan noon si Lee O’Brian: Umaasa pa akong maaayos pa kami

Ipinagdiinan pa ng Kapuso star na kung  sakaling may foreigner ulit na manligaw sa kanya sana raw ay yung masipag at responsable na, “Siguro ‘yung may trabaho na, may sarili siyang kita.”

Samantala, natanong din si Pokie kung gusto ba niyang palitan ang apelyido ng anak nila ng dati niyang live-in partner na si Lee O’Brian.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


“Yes na yes na yes! Siyempre, deserve ng anak ko ‘yung pangalan na inaalagaan at minamahal siya at binibigyan siya ng oras,” sey ni Pokwang.

Sundot na tanong, bakit gusto niyang tanggalin na ang surname na O’Brian sa pangalan ni Maliw, “Saan siya (Lee)? Hindi naman siya maramdaman eh. Para ano pa?”

Dagdag pa ng komedyana at TV host, hindi rin naman daw umano nalungkot ang anak nang maghiwalay sila ni Lee, “Mas umiiyak siya kapag wala ako sa tabi niya.

“Siguro kasi nga kagaya ng sinabi ko wala siyang naipundar na bonding sa anak ko, walang emotional investment.

“Ako ang talagang tumodo eh. Kaya ‘yan ang lesson sa akin ngayon. Dapat nagtitira ka ng para sa sarili mo,” chika pa ni Pokwang.

Hirit ni Pokwang sa mga bashers: ‘Baka mas mayaman pa sila kay Bill Gates kaya walang alam gawin kundi mag-Marites’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lolit Solis kay Pokwang: Ang cheap ng dating ng sinasabi niya sa ex-partner…para bang hinahabol pa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending