Regine Tolentino 4 na taon walang lovelife; Lander hindi sinusustentuhan ang mga anak
INIHAYAG ng dancing diva na si Regine Tolentino na mapapawalang-bisa na ang kasal nila ng kanyang estranged-husband na si Lander Vera-Perez.
Ilang hearing na lang ang kailangan niyang siputin at pagkatapos ay lalabas na ang desisyon sa annulment case ng kasal nila ni Lander na isinampa niya sa korte four years ago.
Matagal din ang hinintay at tiniis ni Regine na tapusin muna ang kaso bago siya pumasok ulit sa isang relasyon.
“I’ve been waiting for a long time because I promised my kids that I won’t, you know, start dating until it’s done and it’s legal. So, it’s been four long years na walang lovelife, and okey naman,” lahad ni Regine.
Nakausap namin si Regine sa presscon ng “Dance by the Beach Fitness Party” na magaganap sa San Fernando, La Union sa April 28.
Nagpapasalamat si Regine na naging busy siya sa kanyang negosyo and all her Zumba activities kaya hindi niya reaw na-feel masyado ang loneliness. And of course, dahil na rin ‘yan sa dalawang anak nilang babae ni Lander na sina Azucena Reign (19) at Alyssandra Reigen (17).
Personal choice raw ni Regine na ‘wag munang makipagrelasyon muli, “Yeah, and I think I just have a clearer conscience once it’s also legal para at least, walang masabi ang mga tao.”
When we asked her about Lander, wala siyang idea kung nasaan ang ama ng kanyang mga anak, “Hindi ko siya nakikita sa hearing. Hindi siya sumisipot. So, that makes the whole process so much easier. Thank God.”
Diretsang sinagot naman ni Regine ang tanong namin kung “friends” ba sila ni lander kahit matagal na silang hiwalay, “We are not,” sabay kagat ni Regine sa kanyang labi. “I have no idea where he is. He has no communication with my kids. He does not support them whatsoever not even once since the day he left. That’s the thing. So, I don’t know.”
If ever pumasok siya ulit sa isang relasyon, mas choosy na raw siya, “I guess somebody that understands my kind of work because I love what I do. In fact, kahit may lovelfie na ako hindi ako titigil sa pagsasayaw, sa pagbi-business ko. And I like someone tall, fit and sweet.”
Ang bilis sumagot ni Regine when we asked her kung possible bang taga-showbiz ulit ang susunod na lalaki sa buhay niya, “No way! No showbiz! ‘Yun ang hindi talaga. Ayaw ko ng taga-showbiz! Ayoko rin ng foreigner. Choosy! Ha-hahaha! Pinoy pa rin! I love Filipino guys.”
Anyway, excited na si Regine sa kanyang “Dance by the Beach Fitness Party” na gaganapin sa Aureo La Union, San Fernando, La Union. We heard, mahigit 1,000 Zumba lovers ang magpa-participate rito brought to us by Shaolin Oil liniment.
“Actually, this is supposed to be our fourth year doing the dance fitness festival in Boracay. But since wala na tayong Boracay ngayon, I was so devastated. Buti na lang I had this opportunity through Shaolin Oil to continue our tradition of educating and having a great time, and partying during the labor day weekend,” say pa ni Regine.
Isang maletang bikini daw ang inihanda niya para sa kanilang event. Ganern?
q q q
Nagmarka ang unang pagsabak ng magaling na character actor at Wildflower star na si RK Bagatsing sa longest drama anthology sa Asya, ang Maalaala Mo Kaya ni Charo Santos.
Dito pinatunayan ni RK na kaya rin niyang magbida sa isang programa. Nakilala kasi ng mga manonood si RK bilang kontrabaida sa serye ni Maja Salvador na Wildflower, pero dahil nga sa chance na ibinigay sa kanya ng MMK, mas naipakita niya sa publiko ang kanyang versatility as an actor.
Very inspiring ang kwentong pinagbidahan ni RK kung saan binigyang-buhay niya ang makulay and inspiring life story ng surfer na may isang kamay na si Harry Marzan.
Only child si Harry ng kanyang mga magulang. Sunod sa luho nu’ng bata hanggang sa magkahiwalay ang kanyang mga magulang.
Sa kanyang paglaki ay nagustuhan niya ang sports na surfing sa Baler, Quezon. He finds peace and sanctuary while riding and dancing with the raging waves of Baler. Sa ‘di inaasahang pangyayari, naaksidente si Harry kung saan kinailangan niyang mamili, ang mamatay o mabuhay na meron lamang isang kamay.
Nakasama ni RK sa nasabing MMK episode sina Cris Villanueva, Maricel Morales, Gina Pareno, Crispin Pineda, Inigo Delen, Mara Lopez, Luis Hontiveros, Robert at Harold Bermundez. Ito’y isinulat ni Benson Logronio at sa direksyon ni Raz dela Torre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.