Ice Seguerra, Jona, Zephanie, Regine Tolentino may mga pasabog sa 5th EDDYS ng SPEEd
KANYA-KANYA nang hula ang mga fans at netizens kung sinu-sino ang magwawagi sa 5th The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).
Ang ikalimang edisyon ng The EDDYS ay magaganap sa November 27 sa Metropolitan Theater (MET) sa direksyon ng OPM icon at award-winning singer-songwriter na si Ice Seguerra.
Magsisilbing host naman ng pinakaaabangang awards night ang talent manager at premyadong TV personality na si Boy Abunda.
Bukod sa announcement ng pinakamagagaling sa larangan ng paggawa ng pelikula noong 2021, kailangang abangan din sa ika-5 edisyon ng The EDDYS ang inihandang pasabog na performances nina Ice Seguerra, Jonalyn Viray, Zephanie at Miss Regine Tolentino kasama ang
Dance Royalties.
Nauna nang inihayag ng SPEEd ang mga nominado para sa iba’t ibang kategorya ng 5th The EDDYS.
Maglalaban-laban para sa Best Film ang “Arisaka” (Ten17 Productions), “Big Night,” (IdeaFirst Company) “Dito at Doon”, (TBA Studios); “Kun Maupay Man It Panahon” (Black Sheep, Globe Studios, Dreamscape Entertainment), at “On The Job: The Missing 8” (Reality Entertainment).
Nominado naman sa kategoryang Best Director sina Erik Matti (On the Job: The Missing 8); Mikhail Red (Arisaka); Jun Lana (Big Night); Carlo Francis Manatad (Kun Maupay Man it Panahon); at JP Habac (Dito at Doon).
Sa pagka-Best Actress category, magsasalpukan sina Janine Gutierrez (Dito at Doon); Kim Molina (Ang Babaeng Walang Pakiramdam); Maja Salvador (Arisaka); Charo Santos (Kun Maupay Man It Panahon); at Alessandra de Rossi (My Amanda).
Sino naman kaya ang tatanghaling pinakamagaling na aktor sa 5th The EDDYS mula sa mga nominadong sina John Arcilla (On The Job: The Missing 8); Christian Bables (Big Night); Dingdong Dantes (A Hard Day); Daniel Padilla (Kun Maupay Man It Panahon); at Piolo Pascual (My Amanda)?
Para sa Best Supporting Actress category nominado sina Janice de Belen (Big Night); Lotlot de Leon (On The Job: The Missing 8); Eugene Domingo (Big Night); Elizabeth Oropesa (Huwag Kang Lalabas); at Rans Rifol (Kun Maupay Man It Panahon).
Samantala, magpapatalbugan naman sina John Arcilla (Big Night); Mon Confiado (Arisaka); Christopher de Leon (The Missing 8); Ricky Davao (Big Night); at Dennis Trillo (On The Job: The Missing 8)ang matutunggali sa Best Supporting Actor category.
Samantala, 10 tinitingala at nirerespetong alagad naman ng sining ang bibigyang-pagkikilala bilang mga Icon awardees ngayong 2022.
Ito’y para sa hindi matatawarang kontribusyon at pagmamahal nila sa movie industry sa loob ng mahabang panahon.
Ang 5th The EDDYS Icon honorees ay sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Phillip Salvador at Roi Vinzon. Kasama rin sa bibigyang-parangal ang mga de-kalibreng aktres na sina Helen Gamboa, Divina Valencia, Elizabeth Oropesa, Sharon Cuneta, Alma Moreno.
Para naman sa mga special awards ngayong taon, ipagkakaloob ang Joe Quirino Award sa entertainment journalist at TV correspondent na si Mario Dumaual.
Ang scriptwriter at dati ring editor na si Eric Ramos ang tatanggap ng Manny Pichel Award habang ang Rising Producer Circle award ay ipagkakaloob sa Rein Entertainment.
Ang Viva Films naman ang napili ng SPEEd bilang Producer of the Year.
Para sa Isah V. Red Award, pararangalan naman sina Gretchen Barretto, Kris Aquino, Alfred Vargas; Kapuso Foundation at Sagip Kapamilya.
Ang ikalimang edisyon ng The EDDYS ay presented ng SPEED at Fire and Ice Media and Productions, in partnership with GLOBE at sa pakikipagtulungan ng Beautederm, NCCA, at Metropolitan Theater.
Kabilang naman sa mga sponsor ng 5th EDDYS ang Nathan Studios, Cong. Arjo Atayde, UNILAB at Tanduay at suportado rin ng Live Stream Manila, Dr. Carl Balita Foundation ni Dr. Carl Balita, Federation Of Filipino Chinese Chambers Of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII), JFV Rice Mill at Bataan Rep. Geraldine B. Roman.
Ang pagbibigay ng award ng SPEEd ay isang paraan para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pa na bumuo ng makabuluhan at de-kalidad na pelikula.
Ang SPEEd ay samahan ng mga entertainment editor ng major broadsheets at tabloids sa bansa, sa pangunguna ni Eugene Asis (ng People’s Journal) bilang presidente.
Related Chika:
‘Fan Girl’ big winner sa 4th EDDYS; Paulo, Charlie waging best actor at best actress
Robi Domingo, Ice Seguerra eeksena sa 4th EDDYS; gabi ng parangal tuloy na sa Easter Sunda
Boy Abunda, Ice Seguerra sanib-pwersa sa 5th EDDYS ng SPEEd; tuloy na tuloy na sa Nov. 27
4th EDDYS mapapanood sa FDCP channel; Angel Locsin, Kim Chiu, Rhea Tan pararangalan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.