Pokwang: 'Hindi ako kumakain ng sinuka ko na at dinilaan na ng mga p*kp*k sa mga club na chipangga' | Bandera

Pokwang: ‘Hindi ako kumakain ng sinuka ko na at dinilaan na ng mga p*kp*k sa mga club na chipangga’

Ervin Santiago |September 21,2023
facebook
share this

Pokwang: ‘Hindi ako kumakain ng sinuka ko na at dinilaan na ng mga p*kp*k sa mga club na chipangga’

Ervin Santiago - September 21, 2023 - 06:52 AM

Pokwang: 'Hindi ako kumakain ng sinuka ko na at dinilaan na ng mga p*kp*k sa mga club na chipangga'

Pokwang

CLAP! CLAP! CLAP! Yan ang naging reaksyon ng mga netizens sa bagong pasabog ng komedyanang si Pokwang tungkol sa dati niyang partner.

Maraming netizens ang nag-react sa mga litratong ipino-post niya ngayon sa social media kung saan nag-uumapaw daw ang kanyang kagandahan at ka-freshnesan.

Sey ng kanyang mga Instagram followers, mas lalo raw siyang bumata at naging sariwa mula nang maghiwalay sila ng dati niyang dyowang American actor na si Lee O’Brian.

Sabi pa ng ilang netizens, hindi nagkamali ng desisyon si Pokie na tuluyan nang iwan ang tinawag niya noong “palamunin” at “patabaing baboy” dahil very obvious ang napakagandang epekto nito sa kanyang buhay.

Makikita sa Instagram account ni Pokwang ang isang short reel kung saan pak na pak ang kanyang OOTD at awrahan. Tanong niya sa kanyang IG followers, saan daw pwedeng rumampa dahil feel niyang uminom.

“Saan masarap mag nomu? yung makakarampa ako ha sayang ang awra kez!!!!” ang caption ni Pokie sa kanyang post.

Marami namang nag-suggest na lugar kung saan siya pwedeng rumampa. Pero isang netizen ang nag-comment na may konek sa dating dyowa ng Kapuso TV host.

“Jusmiyo ms pokie baka d makapag pigil yung isa sa alindog mo manyakin ka nun (laughing in tears emoji) grabi sumosobra na ang kaalindogan mo sana all (laughing in tears emoji),” ang hirit ng netizen.

Baka Bet Mo: Pokwang maraming manliligaw pero ayaw munang magdyowa uli, pwede pa rin sa foreigner: ‘Pero dapat ‘yung may trabaho na, may sariling kita’

Sagot naman sa kanya ni Pokwang, “Again di ako kumakain ng sinuka kona at dinilaan na ng mga pokpok sa bgc at mga club na chippangga hahahhaahhaa!”

Kasunod nito, in-edit ng follower ng komedyana ang kanyang komento, “Miss pokie wag ganyan baka ma inlove sayo uli.”

Nireplayan uli siya ni Pokwang sa pamamagitan ng pag-edit din sa kanyang mensahe. Aniya, “Eeewww kadiri wag na uy! dinilaan na sya ng mga pokpok sa makati at bgc hahhahaha!”

Nauna rito, nagkomento rin si Pokie sa mga nagsasabing ibang-iba ang kanyang awra ngayon. Tanong nga sa kanya sa isang presscon kung ganu’n ba raw ang epekto ng isang babaeng bitter-bitter-an?

“Kung ganito kaganda ang bitter, siguro mas gusto kong maging bitter na lang.

“Kesa naman magmumukmok ako. Hu-huhuhu! Hu-huhuhu! Tapos makikita ka niya, losyang na losyang ka. Maging masaya siya lalo. Kailangan, ‘Maglaway ka! Dami kong trabaho, beh!'” aniya pa

Pokwang binantaan ang epal na bashers matapos sampahan ng deportation case si Lee O’Brian: ‘Sila ang isusunod ko’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit ni Pokwang sa mga bashers: ‘Baka mas mayaman pa sila kay Bill Gates kaya walang alam gawin kundi mag-Marites’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending