Pokwang binantaan ang epal na bashers matapos sampahan ng deportation case si Lee O’Brian: ‘Sila ang isusunod ko’
HALOS lahat ng mga nabasa naming comments sa social media pati na rin sa mga nakakausap naming mga nanay, ay suportado si Pokwang sa naging aksyon niya laban sa dating partner na si Lee O’Brian.
Kinampihan ng ilang celebrities at mga netizens ang pagpa-file ng Kapuso TV host-comedienne ng petition para sa deportation at pagkansela ng visa ng dati niyang live-in partner.
Naging top trending topic sa socmed ang pagpunta ni Pokie sa tanggapan ng Bureau of Immigration sa Maynila kahapon ng umaga, June 13, kasama ang kanyang abogado na si Ralph Calinisan.
Ipinost pa ng komedyana sa kanyang Instagram account ang ilang litrato na kuha habang isina-submit nila ang mga kaukulang dokumento para sa isinampa niyang petisyon sa BI.
Ang inilagay na caption ni Pokwang sa kanyang IG post ay, “(praying hands emoji) para sa karapatan ko at ng anak ko, para sa mga kapwa ko babae at sa bayan ko (praying hands emoji).”
Baka Bet Mo: Pokwang sa mga epal na Marites: ‘Wala kayong alam! Kung isama ko kaya kayo sa demanda para maunawaan n’yo?’
Bukod nga sa mga fans and socmed supporters ni Pokie na nagpaabot ng pagsuporta sa kanya, may mga kaibigan din siya sa showbiz na nagparamdam ng pagmamahal sa kanya.
View this post on Instagram
Komento ni Nadia Montenegro, “Ang dami mong prayer warriors in full force Sis! God is with you. (praying hands, heart emojis).”
Tugon ng komedyana kay Nadia, “I need that sis maraming salamat po (praying hands, heart emojis).”
Komento naman ng kapwa niya komedyanang si Marissa Sanchez, “Woooootttt!!! So proud of u Mamang!!! Pinagpray ko din yan!!!” Na nireplayan naman ni Pokie ng heart emojis.
Samantala, may isa namang IG user na nagtanong kung anong konek ng nangyayari sa personal na buhay ni Pokwang sa bayan, “Anong kinalaman ng bayan sa love life mo mamang?”
Esplika ng Kapuso TV host, “Sa mga dedma sa batas yun ang ibig kong sabihin dito mga walang pake na dayuhan!”
Komento ng isa pang netizen, “Saludo sayo mamang sa paninindigan at hindi pagsuko kahit andaming epal sa mundo! Haha! God bless you and your fam.” Na nireplayan din ni Pokwang ng, “Sila ang inspirasyon ko mga epal para mag pursige at i push ang bagay na ito kaya maraming salamat sa mga epal.”
Meron namang supporter si Pokie na nagsabing, “Bakit dito ang babait ng mga comments? pero sa isang fb page grabe ang mga comments?”
Matapang na sagot ng komedyana, “And i dont give a F*CK!! pakisabi!”
Nagsumbong din sa kanya ang isang netizen, “Meron isang pasaway na basher pero di kayang mgladlad dito sa account or page mo, pero nandun sya sa page ni L** (Lee) sampulan mo nga yon sya pokie, grabeh kung makalait di nmn inaalam ang buong story, eradizm ang name nya..nakakaloka. Sampulan mo para mgtanda. Hehe. Laban po tama yang ginawa mo.”
Hirit na pagbabanta ni Pokwang, “Yes sila ang isusunod ko.”
Ang tanong, magtagumpay kaya si Pokie sa pagpapatalsik sa Pilipinas laban sa tatay ng kanyang anak? Abangan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.