#FerPok: Pokwang ‘sabik’ nang makatambal ang Venezuelan actor na si Fernando Carrillo
EXCITED na ang comedienne-TV host na si Pokwang sa bago niyang proyekto!
Paano ba naman kasi, makakatambal niya ang Venezuelan actor na si Fernando Carrillo.
Para sa mga hindi pa masyadong aware, si Fernando ang gumanap bilang “Fernando Jose” sa sikat na 90’s Mexican telenovela na “Rosalinda.”
Sa Instagram, makikita ang ilang litrato ni Pokwang at Fernando na tila close na close na sa isa’t-isa.
Ayon pa sa komedyana, hindi na siya makapag-antay sa upcoming project nilang dalawa.
“Ayun na nga!!! New project with Mr. @ferrcarrillo waaaa can’t wait!,” wika sa caption ni Pokwang kalakip ang hashtag “FerPok.”
Baka Bet Mo: Pokwang sure na sure nang hindi makikipagbalikan kay Lee O’Brian: Bakit pa, hindi naman niya kami pinili!
View this post on Instagram
Nag-post din si Pokwang sa IG Stories at ibinandera naman ang ilang litrato ni Fernando kasama ang kanyang anak na si Malia.
Noong June 8 lamang ay nagkaroon ng one-on-one interview si Fernando sa King of Talk na si Boy Abunda at ibinunyag ng Venezuelan actor na naka-date niya dati ang veteran broadcast journalist na si Korina Sanchez.
Naikuwento pa ni Fernando na naganap ang dinner date nila ng broadcaster noong huli siyang bumisita sa ating bansa, at kasama raw nila ang ilang mga kaibigan.
“We did an amazing interview once upon a time in Miami, and then I came to the Philippines once. And we went to have dinner with some friends. [Maybe that], we can call it a date,” kwento ng aktor.
Saad pa niya, “But she’s a dear friend whom I respect and I admire very much.”
Sa kasalukuyan, happily married na ang veteran broadcaster sa dating senador at Interior Secretary na si Mar Roxas.
Habang si Fernando naman ay kasal na rin sa kapwa actress na si Catherine Fulop.
Para sa mga curious kung bakit nandito sa Pilipinas ang Venezuelan actor, maglulunsad kasi siya ng reality show na naglalayong lumikha ng isang co-ed singing group.
Kung matatandaan, taong 1999 nang ipinalabas ang original telenovela ng “Rosalinda.”
At ‘yan ay nagkaroon ng Philippine adaptation noong 2009 na kung saan ay pinagtambalan ito nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann.
Related Chika:
Lovi inialay kay FPJ ang paglipat sa ABS-CBN: It makes me feel close to my father
Pokwang sa mga babaeng ‘nagpapapansin’ kay Lee O’Brian Go ahead pero ‘wag n’yo na akong binabanggit!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.