Lovi inialay kay FPJ ang paglipat sa ABS-CBN: It makes me feel close to my father
Lovi Poe at Fernando Poe, Jr.
NARARAMDAMAN ni Lovi Poe na masayang-masaya rin ngayon ang kanyang amang Action King na si Fernando Poe, Jr. ngayong nasa ABS-CBN na siya.
Looking forward na ang dating Kapuso actress sa mga nakalinyang proyekto na gagawin niya sa Kapamilya Network, kabilang nga riyan ang pagpe-perform niya ngayong araw sa “ASAP Natin To.”
Porma na siyang ipinakilala bilang bagong talent ng ABS-CBN sa pamamagitan ng virtual mediacon kamakailan kasabay ng announcement na unang teleseryeng pagbibidahan niya sa istasyon, ang Pinoy version ng hit K-drama na “Flower of Evil” kasama si Piolo Pascual.
“Wala akong nararamdaman kundi pasasalamat kasi I’ve been a huge fan of the body of work of ABS-CBN and I’m happy they gave me this opportunity, the trust they gave me, di ko in-expect. I’m just grateful,” bahagi ng pahayag ni Lovi nang humarap sa entertainment media.
Dito rin nabanggit ni Lovi ang mga alaala ng amang si FPJ, lalo na ang pagiging Kapamilya nito noong nabubuhay pa, “It makes me feel close to my father as well, this was my dad’s home and I’ve always longed for that love and the fact that I’m here makes me feel a lot closer to him.”
Ngayon pa lang ay inaabangan na kung mapapanood din ba ang aktres sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin. Reaksyon dito ng dalaga, “Well let’s see! Abangan! We have different sets of fans. That would be nice.”
Samantala, excited na rin si Lovi sa gagawin niyang Hollywood movie na “The Chelsea Cowboy.” Ito ang life story ng aktor, gangster at lothario na si John Bindon at gaganap nga rito ang aktres bilang blues British singer na si Dana Gillespie.
“One of the producers and the writer of ‘The Chelsea Cowboy’ reached out to my management and asked me to read for the part. It was as simple as that. I read for the part, forgot about it and a few weeks after, it happened,” kuwento ni Lovi.
Malapit nang mag-shooting ang aktres para sa pelikula kung saan makakasama rin niya sina Alex Pettyfer at Poppy Delevingne.
“Aside from making sure I am fully aware of who I am playing, I will do my best na mabigyan ng hustisya because she’s an icon. Nagpre-prepare ako ng maayos.
“I will be playing (a role) with a different accent so that’s something I look forward to. Just trying to make sure that I get there prepared.
“Of course me getting into this different playing field is already a huge thing. Just to be part of this movie is a real blessing for me.
“Even if I will be flying back and forth, if given the opportunity, I believe ABS-CBN would be very much supportive of anyone who’s going to be able to pursue different careers abroad,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.