Pokwang sa mga naglalandi kay Lee O'Brian: "Nakakasuka kayo! Kadiri, mga desperada! Hindi ako ang uhaw sa green card!' | Bandera

Pokwang sa mga naglalandi kay Lee O’Brian: "Nakakasuka kayo! Kadiri, mga desperada! Hindi ako ang uhaw sa green card!’

Ervin Santiago |June 11,2023
facebook
share this

Pokwang sa mga naglalandi kay Lee O’Brian: "Nakakasuka kayo! Kadiri, mga desperada! Hindi ako ang uhaw sa green card!’

Ervin Santiago - June 11, 2023 - 02:09 PM

Pokwang sa mga naglalandi kay Lee O'Brian: "Nakakasuka kayo! Kadiri, mga desperada! Hindi ako ang uhaw sa green card!'

Poking at Lee O’Brian

MATAPANG at palaban pa rin ang Kapuso TV host-comedienne na si Pokwang sa pagsita at pagbabasag sa mga netizens na lumalandi raw sa ex-partner niyang si Lee O’Brian.

Tumalak uli ang komedyana sa social media laban sa mga babaeng naninira at nang-ookray sa kanya sa social media para lang makuha ang atensiyon ni Lee.

Hinamon ni Pokwang ang mga naturang kababaihan sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story na sabihin sa kanya nang face-to-face ang mga pinagpo-post ng mga ito laban sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


Sabi ni Pokie, marami siyang nababasa sa comments section ng mga Instagram post ng kanyang ex-dyowa na naninira sa kanya upang maagaw ang atensyon ng American actor.

“Hinahamon ko yung mga matatapang sa comment section ni kano, kapag nakita nyo ako sa personal sabihin nyo sa harap ko lahat ng sinabi nyong masasakit ha! para masampolan ko kayo ng basag nguso! Matatapang lang sa socmed,” ang hirit na resbak ni Pokie.

Nauna rito, sinabihan na rin ng komedyana ang mga babaeng lumalandi kay Lee na wala siyang pakialam sa mga ito. Ang pakiusap lang niya ay huwag  nang banggitin ang pangalan niya.

“Kung magpapansin kayo kay kano sa mga posts nya sa IG go ahead! Kung inaakala nyo mabibigyan nya kayo ng magandang buhay go ahead!

“Pero wag nyo na akong binabanggit para siraan sa kanya pwede ba? Kadiri mga hopya! Mga DESPERADA makapag-amerika!” ang matapang na sabi pa ni Pokwang.

Baka Bet Mo: Pokwang mas naging fresh nang hiwalayan si Lee O’Brian: ‘Wala na kasi akong patabaing biik!’

Ang nakalagay namang caption sa kanyang photo post, “Di nyo na kailangan siraan ako sa kanya makuha nyo lang atensyon nya!

“Habang marami kayong sinasabi mas lalo ako di titigil mapatalsik yan! ginagawa ko ang lahat nanay at tatay sa mga anak ko para makalimot at maging matatag pero ayaw nyo akong tigilang ng paninira sa kanya? Why?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


“Kung gusto nyo sya go ahead kunin nyo atensyon nya ng maayos no need to mention my name kakasuka kayo!

“Naka block na sakin yan may mga nag rereport sakin kadiri mga desperada! kayo ang lumalabas na bitter hindi ako mga uhaw sa green card!” bwelta pa ni Pokie sa mga bashers.

Samantala, inokray-okray din niya si Lee nang burahin ng aktor ang isang komento ng female netizen patungkol sa kanya.

“Dinelete yung comment ni girl bwahahahahhahaa, sabi kasi ni girl, hi kyeme nice to meet you last night at the chu chu event.

“Delete agad si afam baka makita daw kasi ng ibang kalandian hahaaha ngayon palang deny kana agad girl!!!

“Sa DM kasi wag sa comment section bwahahahahhahhahahaha ang saya saya!!!!!!! pop corn please bwahahahahahaaahahaha!” panunukso pa ni Pokwang sa tatay ng kanyang anak na si Malia.

Ate Dick bumuwelta kay Valentine Rosales: Tama na, kadiri ka na!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pokwang hindi basta-basta magpapatalo: ‘Bangon! Nanay ka at marami kang labada…para sa ikauunlad ng pamilya! Laban!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending