Pokwang hindi basta-basta magpapatalo: 'Bangon! Nanay ka at marami kang labada…para sa ikauunlad ng pamilya! Laban!' | Bandera

Pokwang hindi basta-basta magpapatalo: ‘Bangon! Nanay ka at marami kang labada…para sa ikauunlad ng pamilya! Laban!’

Ervin Santiago |February 05,2023
facebook
share this

Pokwang hindi basta-basta magpapatalo: ‘Bangon! Nanay ka at marami kang labada…para sa ikauunlad ng pamilya! Laban!’

Ervin Santiago - February 05, 2023 - 08:33 AM

Pokwang hindi basta-basta magpapatalo: 'Bangon! Nanay ka at marami ka pang labada…para sa ikauunlad ng pamilya! Laban!'

Pokwang

“SI POKWANG lang ang sakalam!” Yan ang sigaw ng mga tagasuporta ng Kapuso comedienne habang painit nang painit ang isyu sa hiwalayan nila ni Lee O’Brian.

Pagkatapos ng emosyonal na interview ng komedyana sa “Fast Talk With Boy Abunda” ng GMA 7, bumuhos ang simpatya at suporta sa kanya ng mga netizens pati na ng ilang mga kasamahan niya sa showbiz.

Ayon kay Pokwang, after ng mga pinagdaanan niya sa buhay, lalo na noong nagsasama pa sila ni Lee ay mas palaban na niyang haharapin ang mga pagsubok ng sa buhay, para sa kapakanan ng kanyang mga anak.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ibinandera ni Pokey ang kanyang litrato na may text caption na “Wipe your tears, kick their asses!!”

Nasabi naman niya sa caption na wala siyang dapat sayangin na panahon ngayon dahil marami pa siyang “labada” at kailangan niyang bumangon at ipagpatuloy ang laban bilang isang nanay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


“Bangon nanay ka at marami ka pang labada… labada para sa ikauunlad ng pamilya #laban,” ang mensahe ni Pokwang.

Sinuportahan naman ng mga kapwa niya celebrity si Pokwang tulad nina Giselle Sanchez at Melissa Mendez.

“Ganda Mamang,” comment ni Giselle.

“Hugs,” ang sey naman ni Melissa.

Nauna rito ay ibinandera ni Pokwang ang tunay na rason kung bakit niya hiniwalayan at pinalayas ang tatay ng kanyang na si Lee O’Brian. Bukod sa anim na taon niyang binugay ang American actor ay never din itong nagbigay ng sustento sa anak nilang si Malia.

Last Friday, kalakip ang mga litrato ng dalawa niyang anak, may pasabog na message uli ang komedyana.

“Done!!! I’ts time to fly high and be happy again with my true Love,” ang caption ni Pokwang sa kanyang IG post gamit ang mga hashtag na #restartournewlife at #behappyagain.

“Mamang Alabyu!!” ang komento ng Kapuso hunk na si Jon Lucas.

“We love you mamangggg,” sey ni Faith Da Silva.

“Hindi kawalan ang isang mangagamit na kagaya ni Lee. Your a hard working women na kayang buhaying ang mga anak. Its his lost makahanap man siya na kapalit at gagamitin din niya uli at alam mo yon at para ipakita saiyo at saktan ka. Huwag kang iiyak kasi Lee is manipulative . He think he better than anybody. You can find a better man that will love you not use you! We are here to support you as a fans . Im a single mom as well with 4 children. You can do it. He just another waste of your time!!”

“Be thankful that he is gone and you found out kung ano kayo sa kanya…let him go and his baggages…you and your daughter deserve better…sending love.”

“Happy for you idol hindi mo deserve ang treat ni afam sayo grabe pag take advantage nya sayo sana pakawalan muna love u idol pokwang!”

“Aja!!! Life is so much better if we just focus on the things that make us happy. Make your children your priority more than anything else and blessings will pour Into your life. No woman deserve a man that just causing us pain and suffering. You deserve so much better as you have a wonderful heart. God bless po.”

“Isa lang nawala sau at d cya worth para sau at May mabuti kang puso más bbgay ni GOD ang karapat dapat sau tibayin mo loob mo kapit Lang sa taas at sa 2 mong anak.”

“I feel u mamang ganyan din ako noon, tinatakpan ko ang ama ng anak ko sa magulang ko para lang maging ok ang lahat… Dmi ko iyak pero now, tinatawanan ko nlang… Happy being single mom, working for them… Pasyal lang gagawin kung ano gusto gawin na walang kumukwestyon saakin… THANK U LORD, IM FREE YES IM FREE.”

“Wag nyo na i bash si mam pokwang dapat pala mas mahalin pa natin siya mahirap sa isang nanay yun…mas mahalin pa natin siya at support para madami siyang maging project para sa mga anak at pamilya na support niya!”

Pokwang inaming pinagtakpan noon si Lee O’Brian: Umaasa pa akong maaayos pa kami

Kris Bernal kay Pokwang: He’s just lost the best thing that has ever happened to him

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pokwang hinabol ng ‘samurai’ ang asawa dahil sa selos: Iyak siya nang iyak!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending