Kris Bernal kay Pokwang: He’s just lost the best thing that has ever happened to him | Bandera

Kris Bernal kay Pokwang: He’s just lost the best thing that has ever happened to him

Pauline del Rosario |February 04,2023
facebook
share this

Kris Bernal kay Pokwang: He’s just lost the best thing that has ever happened to him

Pauline del Rosario - February 04, 2023 - 02:06 PM

Kris Bernal kay Pokwang: He’s just lost the best thing that has ever happened to him

SA pamamagitan ng Instagram Stories ay nagpaabot ng suporta at pagmamahal ang aktres na si Kris Bernal para sa comedian-actress na si Pokwang.

Sa Ig story ng aktres, ibinahagi niya ang isang clip ng interview ni Pokwang sa TV host na si Boy Abunda.

Mapapanood sa nasabing video na humahagulgol sa iyak si Pokwang habang tinatanong siya ni Tito Boy kung anong leksyon ang nais niyang iwan sa dalawang anak pagdating sa pagmamahal.

Ang sagot naman ng komedyante, “Magtira kayo para sa sarili niyo, mga anak. Kasi ‘yun ang hindi ko ginawa.”

“Magtira kayo para sa sarili niyo para kung dumating ang tamang tao, meron pa kayong pagmamahal para sa tamang tao sa buhay niyo,” aniya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Mukhang tumagos sa puso ni Kris ang mga sinabi ni Pokwang kaya nagpahayag na siya ng mensahe.

Sey ni Kris sa IG, “I love you, mamang @itspokwang27 [red heart emoji] He’s just lost the best thing that has ever happened to him.”

“You are beautiful, intelligent, and strong. Mana si tisay sayo,” aniya.

Naniniwala din ang aktres na malalampasan ni Pokwang ang lahat ng pagsubok na kinakaharap ngayon.

Caption ni Kris, “I have no doubt that you will get through anything. Ikaw pa!”

Kamakailan lang ay hindi na napigilang isiwalat ni Pokwang sa publiko ang tunay na dahilan kung bakit sila naghiwalay ng dating karelasyon na si Lee O’Brian.

Rebelasyon ng Kapuso TV host-actress, sa loob ng anim na taon ay naging palamunin si Lee at hindi nagbibigay ng “child support” para sa anak nilang si Malia.

Pero hindi lang pala ‘yan ang dahilan, sa panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay ikinuwento ni Pokwang na may kinalaman din sa negosyo ang hindi nila pagkakaunawaan.

Sinabi ng aktres na masaya siya na nagkaroon sila ng negosyo dahil bilang artista ay hindi naman sila palaging sikat o may trabaho.

Pero mukha raw hindi nagustuhan ni Lee ang pagtatanong niya ukol sa negosyong siya rin ang naglabas ng pera para makapag simula.

Kuwento pa niya, marami siyang binigay na tsansa kay Lee upang ayusin ang kanilang samahan para sa kanilang anak na si Malia at umabot pa sa puntong nagawa niyang magsinungaling sa publiko.

“Mahal ko [pa siya]. Sa totoo lang mahal ko siya kaya ko nga nagawang magsinungaling e, pagtakpan ko siya dahil umaasa akong magkakabalikan pa kami,” pag-amin ni Pokwang.

Inamin din ni Pokwang na siya na mismo ang nagpaalis kay Lee sa kanilang pamamahay dahil sa tingin niya ay mas mabuti na ito kaysa makita sila ni Malia na nag-aaway at nagsisigawan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related chika:

Pokwang inaming pinagtakpan noon si Lee O’Brian: Umaasa pa akong maaayos pa kami

Pokwang nawindang sa mga ‘madaling makalimot’, bilib sa mga taong pinapahalagahan ang boto

Bakit nga ba walang kaibigan sa showbiz si Kris Bernal?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending