Bakit nga ba walang kaibigan sa showbiz si Kris Bernal? | Bandera

Bakit nga ba walang kaibigan sa showbiz si Kris Bernal?

Therese Arceo |December 21,2021
facebook
share this

Bakit nga ba walang kaibigan sa showbiz si Kris Bernal?

Therese Arceo - December 21, 2021 - 08:44 PM

Bakit nga ba walang kaibigan sa showbiz si Kris Bernal?

MARAMI ang nagtataka kung bakit walang masyadong kaibigan sa showbiz ang aktres na si Kris Bernal.

Kahit nga nang kinasal ito kay Perry Choi noong Setyembre ay walang masyadong naging bisita si Kris na mula sa industriya.

Amin niya kay Toni Gonzaga, sa kabila ng pagiging matagal na niyang artista, hirap pa rin siyang maghanap ng tunay na kaibigan.

“Actually sinasabi nga nila bakit parang wala akong friends in showbiz even nung kasal ko, only few show, as in halos wala nga e.

“Pero never talaga akong nagkaroon ng as in dikit na dikit na showbiz friend kasi parang feel ko, takot akong makipagkaibigan. Hindi ko alam kung sinong totoo sa akin. Hindi ko alam kung sinong… alam mo ‘yun?” saad ni Kris.

Ayon sa kanya, ang hirap makahanap ng kaibigan sa mundo ng showbiz dahil hindi niya alam kung sino sa mga nakapaligid sa kanya ang maaaring pagkatiwalaan.

“Sa mundo kasi natin, hindi mo alam kung sinong pagkakatiwalaan mo, di ba? Minsan ‘yung pinaka-close mo pa, minsan sila pa ‘yung mag-aano (magda-down) sa ‘yo, di ba?”

Kaya naman sobrang laking pasasalamat niya sa asawa dahil ito ang nagsilbing bestfriend niya.

Kahit pa noong mag-dyowa pa lang sila ay buo na ang suporta sa kanya ni Perry.

Aniya, tanggap ng kanyang asawa ang lahat sa kanya, maski ang kanyang kaartehan.

“Nakahanap talaga ako ng best friend kay Perry na as in talagang kung sino ako, kung maarte ako, kung ganito ako, hindi ka niya papakialaman, susuportahan ka lang niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)

Um-agree naman si Toni kay Kris.

“I think ‘yun ang right partner ‘no? ‘Yung he wants the best for you. He’s not competing against you. He’s not putting you down. Parang he just wants you to become the best version of yourself. ‘Yun ang nahanap mo sa asawa mo,” pagbabahagi ni Toni.

Kwento naman ni Kris, kay Perry noya nahanap ang mga bagay ná siguro ay hinahanap niya rin sa kanyang career.

“Nahanap ko sa kanya na hinanap ko rin siguro sa career ko pero unfortunately hindi ko siya nakita. Kay Perry ko nakita ‘yun na natanggap ako, tanggap ako ng buong buo,” sey ni Kris.

At doon nga na-realize ng dalawa na marahil si Perry talaga ang gift ni God kay Kris Bernal kahit na hindi ganoon kaperpekto ang nangyayari sa karera nito.

Sa huli ay labis pa rin ang pasasalamat ni Kris sa kanyang pamilya.

“Siguro one thing talaga that I’m grateful for is my family. Kahit anong mangyari, your family will always be there for you. Kahit na makasamaan mo ng loob ang mommy mo, mga kapatid mo, pamilya mo, hindi ka iiwan.

“Iwan ka ng mga fans mo, iwan ka ng mga nakatrabaho mo, masasaktan ka nila pero ‘yung pamilya mo hindi, nandyan lang sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mawala man career ko atleast nandyan ‘yung pamilya ko na very supportive sa akin.”

Related Chika:
Kris Bernal sinabihang super arte dahil ayaw ng simpleng kasal: Gusto ko kasi grand lahat!
Kris nang matapos ang kontrata sa GMA: ‘Sige, kahit babaan n’yo na ang TF ko, kahit magkano lang po’

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending