Kris nang matapos ang kontrata sa GMA: 'Sige, kahit babaan n'yo na ang TF ko, kahit magkano lang po' | Bandera

Kris nang matapos ang kontrata sa GMA: ‘Sige, kahit babaan n’yo na ang TF ko, kahit magkano lang po’

Ervin Santiago |August 24,2021
facebook
share this

Kris nang matapos ang kontrata sa GMA: ‘Sige, kahit babaan n’yo na ang TF ko, kahit magkano lang po’

Ervin Santiago - August 24, 2021 - 10:34 AM

Kris Bernal

ISA-ISANG sinagot at nilinaw ni Kris Bernal ang ilang intriga at tsismis na may kinalaman sa kanyang showbiz career, kabilang na ang hindi na niya pagpirma ng kontrata sa GMA.

Kung anu-anong chika ang naglabasan noong kumpirmahin na niyang wala na siya sa GMA Artists Center, inakusahan siyang walang utang na loob, may attitude problem, pabida at nagpapataas ng talent fee.

Sa pamamagitan ng bago niyang YouTube vlog titled “Breaking my silence on the rumors about my showbiz career”, ipinagdiinan ng aktres na walang katotohanan ang mga ibinabatong akusasyon sa kanya at pinatunayan kung gaano siya ka-professional at ka-passionate bilang aktres.

Ayon kay Kris, hindi na ni-renew ng GMA ang kontrata niya dahil kasagsagan pa noon ng COVID-19 pandemic.

“Alam ko may mga issues nga, ‘di ba, dito sa social media. It’s been all over social media nga na parang the reason why I was not renewed daw because attitude daw ako, nagpapataas daw ako, may contract pa daw ako pero gusto ko daw lumipat,” paliwanag ni Kris.

Aniya pa, “Ako na, manggagaling na sa akin, walang katotohanan po ‘yun. In all honesty, wala akong maalala na nag-attitude ako. 

“I come on time, I study my scripts, I do my job, I did my 100% all the time, 100% performance, buong puso, kaluluwa ang binibigay ko sa bawat character, sa bawat show. And regarding sa nagpapataas ako, wala ring katotohanan ‘yun, She-sums.

“Actually, when my contract expired, sabi ko, ‘Sige, kahit babaan niyo na, kahit magkano lang po.’ I’m after, you know, doing shows, because, you know, acting is my passion,” pahayag pa ng fiancée ng negosyanteng si Perry Choi.

Inamin din niyang may kaunting takot din siyang nararamdaman para sa kanyang showbiz career kapag ikinasal na sila ni Perry.

“Parang may ganito akong frustration, na once I get married, after getting married, magkaroon ako ng sariling pamilya baka mamaya, alam mo ‘yun, mabawasan ‘yung mga projects ko.

“Sabi nila mawawalan ka ng spark, umoonti ‘yung mga interested sa ‘yo dahil kasal ka na.

“So, parang nandoon ako sa point na sana, even after getting married, nagbibida pa rin ako or kung hindi ka naman bida-kontrabida na lang. Charot!” chika pa ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Basta sana (kahit kasal na) may trabaho pa rin ako, basta artista pa rin ako. Kasi mahal na mahal ko ‘yung trabaho ko,” diin pa ni Kris Bernal.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending