Ate Dick bumuwelta kay Valentine Rosales: Tama na, kadiri ka na! | Bandera

Ate Dick bumuwelta kay Valentine Rosales: Tama na, kadiri ka na!

Therese Arceo |March 16,2022
facebook
share this

Ate Dick bumuwelta kay Valentine Rosales: Tama na, kadiri ka na!

Therese Arceo - March 16, 2022 - 03:10 PM

Ate Dick bumuwelta kay Valentine Rosales: Tama na, kadiri ka na!

HANGGANG ngayon ay usap-usapan pa rin si Valentine Rosales dahil sa kanyang viral video patungkol sa kanyang naging karanasan sa isang convenience store sa Cubao, at isa na rin ang social media influencer na si Ate Dick sa mga tumawag ng pansin sa “pekeng kakampink”.

Matatandaang una nang nagsalita ang “Pambansang Marites na Lalaki” na si Xian Gaza at in-expose ang diumano’y totoong intensyon ni Valentine sa paggawa ng video.

Bukod pa rito ay pina-check rin nito kung bukas pa ba ang sinasabing branch ng convenience store ngunit napag-alaman nitong sarado na pala talaga ito kaya doon pa lang ay halata nang gawa-gawa lamang ang kwento.

Dito nga ay naglabas na ng reaksyon si Ate Dick o Inah Evans patungkol sa isyu.

“Nagtutulungan kami lahat at nagvovolunteer to help VP Leni’s campaign tapos lalabas ka as Kakampink with all your made up story para lang makakuha ng engagement?” gigil na gigil na sabi niya.

Dagdag pa niya, “Kinanginang famewh*re ka talaga kahit kailan. Hindi ka naman nakakatulong sa cause. TAMA NA VALENTINE KADIRI KA NA.”

 

 

Isa si Ate Dick sa mga tahasang nagpapakita ng suporta sa presidential candidate na si VP Leni Robredo pati sa running mate nitong si Sen. Kiko Pangilinan nitong March 12 kasama sina Krissy Achino at Alex Diaz.

Kamakailan nga lang ay isa ito sa mga boluntaryong nag-host sa people’s rally ni VP Leni na naganap sa Isabela.

May naging paalala pa nga si Ate Dick sa mga kapwa influencers na i-guide ang bawat isa lalo na’t isang malaking responsibilidad ang pagiging content creators.

Aniya, “Tayong mga Kakampink, guide natin ang isa’t isa. Huwag na tayong maging guide sa maling paraan.”

“Di ba may mga ibang content creators na direktor na gumagawa ng mga basurang content, ngayon pati mga talent niya, nagiging basura na rin,” dagdag pa niya.

Mukha naman itong patama kay Darryl Yap na nag-react rin sa matapos mag-viral ang video ni Valentine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi ko alam kung tatawa ako o maaawa, kaya ba walang maicontent ang pinks kasi puro ganito ang pagkakagawa ng kwento? Pwede namang EPISODE 1 : magbabarkada nagkita-kita sa 7-11 tapos nagparty with drugs para maganda-ganda naman ang plot!” saad ni Darryl.

Isa kasi si Valentine sa mga naakusahan na may kinalaman sa pagkamatay ng kanilang kaibigang flight attendant na si Christine Dacera. May mga kumalat na chika noon na diumano’y under the influence of drugs ang mga ito na nag-party sa isang hotel para salubungin ang taong 2021.

Related Chika:
Xian Gaza nag-react sa viral post ni Valentine Rosales: Just a black propaganda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending