Xian Gaza nag-react sa viral post ni Valentine Rosales: Just a black propaganda
MAINIT ang pahayag ng “Pambansang Marites na Lalaki” na si Christian “Xian” Gaza laban kay Valentine Rosales.
Viral kasi ngayon ang video ni Valentine kung saan kinukwento nito ang kanyang naging karanasan nang mamili siya sa isang convenience store sa Cubao kung saan may isa raw na lalaki ang kumuha ng drink sa nasabing convenience store gamit ang baso na may mukha ni Bongbong Marcos at hindi nagbayad.
Pagpapatuloy pa ni Valentine sa kanyang video, nagkausap raw sila ng staff ng convenience store dahil sa diumano’y lalaking tumakas at di nagbayad ng inumin. Tinanong daw siya kung anong baso ang kinuha, at sinabi nitong ang presidential candidate na si Bongbong Marcos ang kinuha ng lalaki. Ang ending ay binayaran na lang daw niya ang “ninakaw” ng lalaki.
Agad ngang nag-viral ang nasabing post at umani ng samu’t saring reaksyon mula sa mga tao at isa na nga si Xian sa mga naglabas ng pahayag ukol sa video.
“This guy is not a legitimate kakampink. Under siya sa payroll ng kalaban. This entire 7-eleven drama is just a black propaganda against Leni’s campaign,” gigil at naka-all caps na saad niya sa kanyang Facebook post.
Dagdag pa ni Xian, “It’s a masterplan. It’s the brainchild of someone I know. Ni-recruit nila ang taong ito two weeks ago kapalit ng pera at massive exposure.”
Aniya, ang plano raw ay may magpapanggap na “kakampink” at magpo-post ng picture na nakasuot ng pink na damit kasama ang baso na may picture ni Leni.
Ang terminong “kakampink” ay tawag sa mga sumusuporta sa presidential candidate na si VP Leni Robredo na nagmula sa kanyang campaign color na pink.
Lahad pa ni Xian, “Gagawan nila ito ng kwentong barber caption at sasadyain na maraming edits para mawalan ng credibility ang post at maging katawa-tawa and very vulnerable to bashing.
“After a few hours from the time of posting eh papa-viral-in nila ito through massice sharing upang ma-bash ng husto anf subject nang mapasama ang buong kakampink community.”
@iamvalentinerosales #labanleni2022 #gulp711 ♬ original sound – Valentine Rosales
Dagdag pa niya, ito raw ang rason kaya raw kahit na sobra sobra na ang pamba-bash na natatanggap ni Valentine ay hindi pa rin niya tinu-turn down ang kanyang post.
Chika pa ni Xian, “Yun din ang dahilan kung bakit handang-gansa siya sa kanyang new kakampink profile picture right after the entire drama. Nakaplano kasi ang lahat. Bayad kasi siya. Nakuha na niya ang massive attention na gustong-gusto niya.”
Kaya nga nang malaman daw ng Pambansang Marites na Lalaki noong nakaraang lingo ang buong black propaganda masterplan na ito sa kanyang credible source ay gumawa siya ng kanyang sariling version ng parallel masterplan.
Sey niya, “Tuwang-tuwa sila kahapon nang malaman nila na ang Pambansang Marites na si Xian Gaza ay sasawsaw sa issue. Alam kasi nila kung gaano katindi ang social media mileage ko. Akala nila mapapakinabangan nila ako sa negative campaigning nila.”
Ang lalaki sa viral video na si Valentine Rosales ay isa sa mga huling nakasama ng flight attendant na pumanaw nang salubungin nila ang bagong taon nang magkakasama sa isang hotel.
May mga nagsasabi rin na gusto lang talaga nitong magpapansin sa social media at nakita ang opportunitadad na mag-clout chase at sumabay sa hype ng pangangampanya ni VP Leni.
May ilan ring sumasang-ayon kay Xian lalo na at may mga larawang kuha si Valentine kasama ang kasalukuyang senatorial candidate na si Salvador Panelo na isa sa mga ineendorso nina Bongbong Marcos at Sara Duterte.
Related Chika:
Heart, Nadine lantaran na kung sino ang susuportahan sa Eleksyon 2022
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.