Heart, Nadine lantaran na kung sino ang susuportahan sa Eleksyon 2022 Bandera

Heart, Nadine lantaran na kung sino ang susuportahan sa Eleksyon 2022

Reggee Bonoan |January 20,2022
share this

Heart, Nadine lantaran na kung sino ang susuportahan sa Eleksyon 2022

Reggee Bonoan January 20, 2022 - 06:42 AM

Nadine Lustre at Heart Evangelista

KUMBINSIDO na ang mga netizens na “Kakampinks” sina Heart Evangelista-Escudero at Nadine Lustre.

Ito ang paniniwala ng mga followers ng dalawang aktres matapos silang mag-post sa kani-kanilang social media accounts patungkol kay Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang Instagram account ay ipinost ni Heart ang kanyang larawan habang nagsusukat siya ng pink dresses na ang caption niya ay, “On Wednesdays, we wear pink.”

Ito rin ang mga nababasa naming tagline ng karamihang celebrities na pag araw ng Miyerkules ay kailangang magsuot ng kulay pink.

Ang nasabing kulay ay iniuugnay kay Robredo ng kanyang mga supporter bilang Kakampinks na sumaktong tuwing araw ng Miyerkules ay maraming aktibidad ang supporters ni VP Leni.

Sabi ng netizen na si @gemma_adventure, “Yessss!!! Kakampink. Oragon talaga ika Heart.”

Say din ni @francesmayr, “#kakampink tayo.”

Well, halata rin namang Kakampink si Heart dahil kasalukuyang gobernador ng Sorsogon ang asawang si Chiz Escudero, e, solid ang mga taga-Bikol kay VP Leni.


Samantala, iba rin ang istilo ni Nadine sa pagpapakita ng suporta bilang Kakampink dahil kinunan niya ang photo mural nina VP Leni at Sen. Kiko Pangilinan na nasa volunteer center sa Katipunan, Quezon City at inilagay niya ito sa kanyang IG story kahapon.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagpahayag si Nadine ng suporta kay Robredo, ngunit ito ang una niyang post ukol sa Bise Presidente sa kanyang social media account.

Sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 dahil sa Omicron variant, nagbigay si Robredo sa mga Pilipino ng libreng testing, telemedicine at COVID-19 kits.

At nang humagupit ang Typhoon Odette sa ilang bahagi ng bansa ay si VP Leni ang unang personal na bumisita at nagbigay ng relief goods at iba ang tulong sa mga lugar na naapektuhan.

Tulad ni VP Leni ay ganito rin ang ginawa ni Nadine sa mga taga-Siargao kung saan nagkalap siya ng food/water donation para sa mga taga-isla at kasama rin ang dalaga at ang boyfriend niyang si Christophe Bariou sa pagkabit ng solar panel system.

Si Nadine Lustre na nga ba ang bagong ‘Andi Eigenmann’?

Cristy muling binanatan si Nadine: Wala akong planong panoorin siya

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending