Kathryn, Nadine may ‘kilig’, pak na pak sa ‘T-Bird at Ako’ nina Nora at Vilma

Kathryn Bernardo at Nadine Lustre
NAG-VIRAL at trending pa ang mga litrato nina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre na magkasama sa naganap na ABS-CBN Ball 2025 last Friday, April 4.
Talagang pinagkaguluhan ng mga reporter at photographer ang dalawang “reyna” ng kanilang henerasyon nang rumampa sa annual event ng Kapamilya Network na ginanap sa Solaire Resort North sa Quezon City.
Parehong nagmumura ang kagandahan at kaseksihan ng dalawang award-winning actress sa naganap na ABS-CBN Ball 2025 kaya naman pak na pak ang pagpo-pose nila sa red carpet nang magkasama.
Suot ni Kath that night ang brown wrap gown ni Anthony Ramirez na kahit simple lang ang OOTD at make-up ay lutang na lutang pa rin ang kanyang pagiging queen.
Mala-Audrey Hepburn naman ang awrahan ni Nadine with her cream, ocean-inspired Rajo Laurel gown na dyosang-dyosa rin ang peg.
Kasunod nito, maraming fans ang nag-request sa ABS-CBN na pagsamahin na sa isang project ang dalawang aktres. May nag-suggest na i-remake nina Kath at Nadz ang classic movie nina Nora Aunor at Vilma Santos na “T-bird At Ako.”
Ilan naman ang nagsabi na gawan ng original concept ang dalawang aktres kung saan pwede silang magbardagulan sa aktingan at parehong humakot ng awards.
View this post on Instagram
Bukod dito, marami naman ang nakapansin na tila nadagdagan ang size ng boobs ni Kathryn pero sey ng fans ng aktres, effect lang daw yun ng style ng gown ng dalaga.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments sa social media tungkol sa viral photos nina Kathryn at Nadine sa ABS-CBN Ball 2025.
“Sana matuloy na ang T Bird at Ako for Nadine and Kathryn. It’s about time na gawin nila ang remake ng movie Nina Ate Guy at Ate Vi!”
“Yes! Siguradong blockbuster yan. And tanong na lang sino ang gusto nyong gumanap na lesbian sa movie?”
“Parang papaya na ang dibdib nya di na sexy anong nangyari nasorahan ba?”
“Sobrang Ganda ng katawan ni Nadine!”
“Well prepared si Nadine. Kath is beautiful in fairness with her simple dress.”
“Mas bet ko yong gown ni kim chiu at janine gutierez mas classy and elegant tignan.”
“Dumidikit si Nadine kay Kathryn para sumikat ulit sya. Umaaaygad.”
“Ang puti Pala ni kath tas Pina pa morena lang nila mas bagay sa kanya Yung true skin niya love it.”
“Stand out tlga beauty ni Katherine so fresh ang look. Wlang makapantay napakaganda inside and out.”
“Dalawang na brokenhearted dhl sa pangbabae ng mga naka relasyun nila..anggaganda pa nman nila 2.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.