Kathryn sa pagiging ‘independent’: Getting my own place is a big adjustment!

PHOTO: Instagram/@bernardokath
“INDEPENDENCE is the new glow up!”
‘Yan siguro ang motto ngayon ng award-winning aktres na si Kathryn Bernardo na buong tapang na umalis sa poder ng kanyang pamilya upang mamuhay mag-isa.
Sa isang interview ng INQUIRER Lifestyle, inamin ni Kathryn na isa ito sa pinakamalaking hakbang sa kanyang buhay.
“I think it’s so brave that, every day, I show up and choose to grow and accept all the uncertainties,” sey niya sa panayam.
Grabe ‘di ba? Totoo nga namang hindi biro ang mag-isa sa bahay, pero hindi nagpapa-apekto ang Kapamilya actress.
Baka Bet Mo: 1st crush ni Kathryn Bernardo hinanting ng fans, doktor na ngayon
“I don’t know what will happen. I don’t know if I can do it alone. But I’m here for it. I’m very open. Wish me luck in the coming months,” patuloy niya.
Ayon pa kay Kathryn, bahagi ito ng kanyang “transition stage” bilang isang adult.
Saad niya, “Part of me growing up is getting my own place. It’s like my transition stage. I feel that the next coming years are very important because they will dictate where I will go in the future.”
Sa totoo lang, ang move na ito ay sumabay pa sa “birthday blues” at quarter-life crisis ni Kath.
“I just turned 29, and I feel so lost. I didn’t expect that I’d feel this, but I guess it’s part of adulting and growing up,” esplika niya.
Kahit pa may halong takot at kaba, game na game pa rin si Kath na harapin ang lahat dahil parte raw ito ng mas malalim na pagkilala sa sarili.
“I feel like getting my own place is a big adjustment for me and my family, especially my mom,” sambit niya.
Aniya pa, “I just want to feel everything right now.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.