Pokwang mas naging fresh nang hiwalayan si Lee O'Brian: 'Wala na kasi akong patabaing biik!' | Bandera

Pokwang mas naging fresh nang hiwalayan si Lee O’Brian: ‘Wala na kasi akong patabaing biik!’

Ervin Santiago |March 06,2023
facebook
share this

Pokwang mas naging fresh nang hiwalayan si Lee O’Brian: ‘Wala na kasi akong patabaing biik!’

Ervin Santiago - March 06, 2023 - 01:05 AM

Pokwang mas naging fresh nang hiwalayan si Lee O'Brian: 'Wala na kasi akong patabaing biik! Bwahahaha!'

Lee O’Brian at Pokwang

RAMDAM na ramdam pa rin ang matinding galit ng Kapuso comedienne na si Pokwang sa dati niyang ka-live in na American actor na si Lee O’Brian.

Tuluy-tuloy pa rin ang panglalaglag ni Pokey sa hiniwalayang partner patunay lang na talagang sobra siyang nasaktan sa mga pinaggagawa nito sa kanya.

Muling binanatan ni Pokey si Lee O’Brian nang sagutin niya ang ilang netizens na nagkomento sa kanyang latest Instagram photo.

Napansin ng kanyang IG followers na blooming at glowing ang itsura niya ngayon. Comment ng isang netizen, “Ma, iba yong glow mo ngayon sa trueee lang.”

Ang diretsahang reply ng Kapuso host at aktres, “@hialvinmartin kasi nga nak wala na akong patabaing biik bwahahahahaha!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


Sabi naman ng isa pa niyang IG follower, “Mamang ang fresh ng beauty mo.” Na sinagot ni Pokwang ng, “@sandycbagalihog salamat wala na kasing parasite sa buhay ko hahahahaha!”

Hindi man pinangalanan ni Pokwang ang taong tinutukoy niya,  malinaw sa kanyang mga hugot na si Lee ang kanyang pinatututsadahan.

Kamakailan, walang patumanggang tinawag ni Pokwang ang dating dyowa ng inutil at palamunin. Aniya, siya ang bumuhay kay Lee sa loob ng anim na taon nilang pagsasama.

Never din daw nagbigay kahit magkano ang aktor para sa limang taong gulang nilang anak na si Malia O’Brian.

Nitong nagdaang March 2, nabanggit ni Pokwang na inaayos na niya ang mga legal papers para tanggalin ang apelyido ni Malia na “O’Brian” at gawin na itong “Subong.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


Rebelasyon pa ni Pokey, bukod sa tamad at manggagamit, hindi rin daw gusto ni Lee ang pagbubuntis niya noon kaya talagang masamang-masama ang loob niya.

November, 2021 pa naghiwalay sina Pokwang at Lee ngunit noon lamang July, 2022 nila ito ibinandera sa publiko.

Kamakailan, tinawag din ni Pokwang na “ingrato” si Lee at gusto niyang mawala na ito nang tuluyan sa Pilipinas. Sana raw ay wala nang magbigay dito ng trabaho para mapilitan nang bumalik sa kanyang pinanggalingan.

Pokwang hindi basta-basta magpapatalo: ‘Bangon! Nanay ka at marami kang labada…para sa ikauunlad ng pamilya! Laban!’

Pokwang present sa birthday ni Lee O’Brian, may bwelta sa ‘sayang luha’ comment ng netizen

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pokwang nag-‘delete’ ng tao sa buhay nila, ipinagpalit nga ba sa mas ‘chaka’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending