Pokwang sa mga babaeng 'nagpapapansin' kay Lee O'Brian Go ahead pero 'wag n'yo na akong binabanggit! | Bandera

Pokwang sa mga babaeng ‘nagpapapansin’ kay Lee O’Brian Go ahead pero ‘wag n’yo na akong binabanggit!

Therese Arceo |June 02,2023
facebook
share this

Pokwang sa mga babaeng ‘nagpapapansin’ kay Lee O’Brian Go ahead pero ‘wag n’yo na akong binabanggit!

Therese Arceo - June 02, 2023 - 10:14 PM

Pokwang sa mga babaeng 'nagpapapansin' kay Lee O'Brian Go ahead pero 'wag n'yo na akong binabanggit!

TINALAKAN ng Kapuso actress st comedienne na si Pokwang ang mga hindi pinangalanang mga tao na naninira raw sa kanya.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi nito na mayroon daw mga taong nagsasabi ng mga hindi magagandang salita ukol sa kanya sa dati nitong partner na si Lee O’Brian.

“Kung magpapapansin kayo kay kano sa mga posts nya sa IG nya go ahead! Kung inaakala nyo mabibigyan nya kayo ng magandang buhay go ahead!” saad ni Pokwang.

Tinawag pa nga niya ang mga ito na “kadiri” at “desperada”

“Pero wag nyo na akong binabanggit para siraan sa kanya pwede ba? Kadiri mga hopya! Mga DESPERADA [makapag] amerika??” sey ni Pokwang.

Maging sa naturang caption ng kanyang mismong post ay may mga maaanghang pa rin itong patutsada sa mga taong hindi niya pinangalanan.

Baka Bet Mo: Pokwang inaming pinagtakpan noon si Lee O’Brian: Umaasa pa akong maaayos pa kami

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

“Di nyo na kailangan siraan ako sa kanya makuha nyo lang atensyon nya! habang marami kayong sinasabi mas lalo ako di titigil mapatalsik yan!” inis pang sabi ni Pokwang.

Ani Mamang, wala naman siyang pake kung gusto ng mga ito ang dati nitang partner pero sana raw ay huwag nang banggitin ang kanyang pangalan para mapansin ni Lee.

“[K]akasuka kayo! naka block na sakin yan may mga nag rereport sakin kadiri mga desperada! kayo ang lumalabas na bitter hindi ako mga uhaw sa green card!” sey pa ni Pokwang.

Si Lee ay ang dating partner ng Kapuso star at ama ng kanyang bunsong anak na si Malia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa mga nakalipas na buwan ay naging laman ng mga balita si Pokwang matapos ang mga rebelasyon nito ukol sa tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay at sa tunay na pangyayari noong magkasama pa sila gaya ng hindi nito pagbibigay sustento mula sa kanyang panganganak hanggang sa kasalukuyan.

Related Chika:
Hirit ni Pokwang sa mga bashers: ‘Baka mas mayaman pa sila kay Bill Gates kaya walang alam gawin kundi mag-Marites’

Pokwang nawindang sa mga ‘madaling makalimot’, bilib sa mga taong pinapahalagahan ang boto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending