Pokwang nag-file na ng petisyon para ipa-deport si Lee O' Brian: Para sa karapatan ko at ng anak ko | Bandera

Pokwang nag-file na ng petisyon para ipa-deport si Lee O’ Brian: Para sa karapatan ko at ng anak ko

Therese Arceo |June 13,2023
facebook
share this

Pokwang nag-file na ng petisyon para ipa-deport si Lee O’ Brian: Para sa karapatan ko at ng anak ko

Therese Arceo - June 13, 2023 - 03:45 PM

Pokwang nag-file na ng petisyon para ipa-deport si Lee O' Brian: Para sa karapatan ko at ng anak ko

PORMAL nang nagsampa ng petisyon ang Kapuso actress-comedienne na si Pokwang para sa deportation ng dati niyang partner na si Lee O’Brian, ngayong Martes, June 13.

Nitong umaga, ipinasilip niya sa kanyang Instagram post ang kopya ng kanyang reklamo.

“[P]ara sa karapatan ko at ng anak ko, para sa mga kapwa ko babae at sa bayan ko [praying hands emoji],” saad ni Pokwang sa caption.

Ang naturang deportation complaint at cancellation of visa ay personal niyang isinampa sa Bureau of Immigration sa Intramuros, Manila kasama ang kanyang abogado na si Atty. Ralph Calinisan.

Samantala, ibinahagi naman ni MJ Marfori sa kanyang Instagram page ang naging interview niya kay Pokwang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Baka Bet Mo: Pokwang inaming hindi nagustuhan ni Lee nang malamang preggy siya, ipapabago ang apelyido ni Malia

“Kailangan nating mabigyan ng leksyon ‘yung mga taong nag-aabuso sa batas natin, sa karapatan ng bawat babae, ng bawat nanay,” saad ng Kapuso star.

Inilahad rin ni Pokwang ang knayang naranasang pang-aabuso sa dating partner.

“Mentally, sobrang sobra. Sobrang ‘yung mga ilang gabi nang hindi nakakatulog, alam mo ‘yun? Hindi na niya nagagawa ‘yung obligasyon niya bilang ama. Sobrang masakit.”

Sey ng kampo ni Pokwang, “O’Brian was using a tourist visa while working in the country for the past eight years” ayon na rin sa caption ng interview na ibinahagi ni MJ.

Matatandaang nitong Marso 2023 nang ibandera ng Kapuso actress ang kanyang pakikipag-ugnayan sa abogado ukol sa kanyang mga legal na hakbang laban sa dating partner at pati na rin sa pagsasaayos ng mga karapatan ng kanilang anak na si Malia.

“Hindi ako susuko para sayo anak @malia_obrian kung naitaguyod ko si ate ng mag-isa mas lalo ako magsisipag at magiging matapang para sayo at sa inyo ng ate mo,” sey ni Pokwang.

November 2021 pa nang maghiwalay ang dalawa ngunit Hulyo 2022 lang nang pumutok ang balita na siya namang kinumpirma ng kaibigan nitong si Ogie Diaz sa kanyang “Showbiz Update” vlog.

Sa naging panayam naman ni Pokwang sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong February 2023 ay ibinahagi niya ang tunay na rason ng hiwalayan nila ni Lee.

“Bilang isang ina, umaasa ako na maaayos pa kami. Kahit ang sakit-sakit na sa akin. Kailangan kong magsinungaling kasi umaasa ako na aayusin pa niya, magkakaayos pa kami,” sey niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa ni Pokwang, “Oo, naghiwalay kami, pero marami akong binigay na chance. Marami akong signal na binigay sa kanya na ‘Please, ayusin mo naman ito para kay Malia.'”

Related Chika:
Pokwang pinagkumpara ang itsura noon sa awra ngayon: ‘Ako, nang matauhan at mahalin naman ang sarili…tah kaa! BOOM!’

Pokwang never daw minahal ni Lee O’ Brian, ‘new girl’ mismong si Malia raw ang nakakita

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending