Pokwang inaming hindi nagustuhan ni Lee nang malamang preggy siya, ipapabago ang apelyido ni Malia | Bandera

Pokwang inaming hindi nagustuhan ni Lee nang malamang preggy siya, ipapabago ang apelyido ni Malia

Therese Arceo |March 03,2023
facebook
share this

Pokwang inaming hindi nagustuhan ni Lee nang malamang preggy siya, ipapabago ang apelyido ni Malia

Therese Arceo - March 03, 2023 - 04:56 PM

Pokwang inaming hindi nagustuhan ni Lee nang malamang preggy siya

SUNUD-SUNOD pa rin ang mga rebelasyon ng Kapuso actress-comedienne na si Pokwang patungkol sa dating karelasyon na si Lee O’ Brian.

Walang pag-aalinlangang sinagot ng komedyana ang mga komento ng netizens na naapektuhan sa sinabi niyang toxic na karelasyon si Lee.

Iba iba ang komento ng mga netizens sa post ni Pokwang ng video ng anak. May ilan na full support sa kanya at ang iba naman ay pinapayuhan siya na hayaan na lang at tigilan na ang mga negatibong pahayag laban kay Lee.

“Ganda ng anak mo Madam, if ako sayo sunod mo sa surname mo. Hindi worth it gamitin niya surname ng ex mo. Ms. Universe Malia Subong in the making,” komento ng isang netizen.

Sagot naman ni Pokwang, “Inaasikaso ko na po.”

May isa naman na sinabihan siyang huwag masyadong bitter.

Banat ng netizen kay Pokwang, “You should be thankful that you met him instead of being bitter. Because of him you would not have a beautiful daughter, kung iba pa yung na meet mo baka hindi kasing ganda ang anak mo. Count your blessings instead of being hateful.

Move on and be thankful of what you have!!! You are going to hate me but the more you talked, the more it shows your true character!!!”

Depensa naman ni Pokwang, “Madali sa inyo sabihin yan kasi hindi sa inyo nangyare tanga! at ipagdasal mo wag naman sana kayong lokohin at abusuhin gaga! mentally at financialy ang na invest ko sa kanya kaya ganito gagang to! wala kayong alam! kung isama ko kayo sa demanda para maunawaan nyo?”

“Ano ang thankful na ako nagbayad lahat magmula sa prenatal checkup, vitamins at panganganak ko ako lahat?????” dagdag pa niya.

Bukod pa rito, inamin rin ni Pokwang na “batugan” si Lee at hindi raw nito nagustuhan ang pagbubuntis niya kay Malia.

“Hindi magiging masaya ang anak namin kapag nalaman nya batugan at ayaw sa kanya ng tatay nya na nagalit nang nalaman na buntis ako! tapos ang kwento mga tanga!” hirit pa ng komedyana.

Matatandaang ibinunyag na ni Pokwang noon pa man na may iba nang babae si Lee at wala nang chance para maayos pa ang kanilang pamilya dahil ginawa na raw niya lahat pero wala pa ring ginawa ang dating dyowa.

November 2021 pa talaga noong naghiwalay silang dalawa pero nabalitaan lang ito ng publiko noong July 2022.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Related Chika:
Pokwang nag-‘delete’ ng tao sa buhay nila, ipinagpalit nga ba sa mas ‘chaka’?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pokwang inaming pinagtakpan noon si Lee O’Brian: Umaasa pa akong maaayos pa kami

Pokwang present sa birthday ni Lee O’Brian, may bwelta sa ‘sayang luha’ comment ng netizen

Pokwang sinigurong wala nang second chance sa relasyon nila ni Lee O’Brian: Basta OK na OK na ako, bye!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending