Pokwang never daw minahal ni Lee O' Brian, 'new girl' mismong si Malia raw ang nakakita | Bandera

Pokwang never daw minahal ni Lee O’ Brian, ‘new girl’ mismong si Malia raw ang nakakita

Therese Arceo |February 01,2023
facebook
share this

Pokwang never daw minahal ni Lee O’ Brian, ‘new girl’ mismong si Malia raw ang nakakita

Therese Arceo - February 01, 2023 - 11:18 PM

Pokwang never daw minahal ni Lee O' Brian, 'new girl' mismong si Malia raw ang nakakita
IBINUKING ng talent manager na si Ogie Diaz na mismong si Malia, anak ng kanyang kaibigang na si Pokwang ang nakakita na may ibang babae ang kanyang amang si Lee O’Brian.

Ito ay napag-usapan nila sa kanyang latest episode ng “Showbiz Update” kung saan kasama niya sina Mama Loi at Mrena.

Nabanggit kasi nila na may mga netizens na nagsasabing mukhang bitter at apektado pa rin si Pokwang sa paghihiwalay nila ni Lee na siya namang ni Ogie.

Ibinahagi nga niya ang matagal na niyang nalalaman ukol sa love life ng kanyang malapit ma kaibigan.

“Ayun na nga, sabi nung iba na netizen, ‘Mag-move on ka na. Kung wala na kayo, ibigay mo na siya sa iba.’ Parang ganun, sinasabi ng ilang netizen. Kasi nga totoo naman na may iba na si Papang at yun ay dine-deny pa ni Papang sa kanya pero si Malia rin ang nakadiskubre,” saad ni Ogie.

Dati pa raw ay may nagsasabi na sa Kapuso comedienne na may ibang babae na ito ngunit hindi niya ito pinaniwalaan bagkus dinepensahan pa niya ang dating partner.

“Si Malia rin ang nagsabi sa kanya na merong kasamang lady yung kanyang Dada, si Papang, na parang ganun din. Parang skinny, morena rin, at parang si Pokwang. So biglang nagbalik-tanaw si Pokwang na, ‘Huh, ito yung kinekwento ng friend ko na nakita niya si Papang kasama yun girl na yun’,” kuwento pa ni Ogie.

Pagpapatuloy pa niya, “Actually, yung pag-iyak ni Pokie, grabe. Sa telepono lang kami nag-usap, pero iyak siya ng iyak, ‘Mare, one year na akong umiiyak kasi umaasa pa rin akong mabubuo yun pamilya namin pero mas pinili yata niya yung babae niyang yun. So doon na lang siya’.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Lahad pa ni Ogie, hindi alam ng tao kung saan nanggagaling ang poot na nararamdaman ni Pokwang dahil ginawa niya ang lahat at pinagtanggil niya si Lee para bumango ang image nito.

“Sabi nga niya, kapag nagkita sila ni Lee at sinabi niyang ‘hindi na kita mahal’, ang isasagot daw niya, ‘Bakit? Kailan mo ba ako minahal?’ kasi hindi naman daw talaga niya naramdaman. Andoon lang daw siya sa leve ng ‘yung anak namin kawawa. Gusto [niya] ng buong pamilya.”

Chika pa ni Ogie, pinilit naman daw talaga ni Pokwang na mabuo ang kanyang pamilya pero walang nangyari.

Related Chika:
Pokwang sinigurong wala nang second chance sa relasyon nila ni Lee O’Brian: Basta OK na OK na ako, bye!

Pokwang nag-‘delete’ ng tao sa buhay nila, ipinagpalit nga ba sa mas ‘chaka’?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pokwang present sa birthday ni Lee O’Brian, may bwelta sa ‘sayang luha’ comment ng netizen

Pokwang sa basher ng anak: Dami mong alam! Kahit ‘di magsuklay maganda yan at wala ka nu’n PAKIALAMERA!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending