Keempee de Leon nag-sorry sa mga artistang niligawan, anyare?

Keempee de Leon nag-sorry sa mga artistang niligawan; focus muna kay Lord

Ervin Santiago - January 28, 2025 - 12:30 AM

Keempee de Leon nag-sorry sa mga artistang niligawan; focus muna kay Lord

Keempee de Leon

“SELECT and collect” ang peg ng aktor at singer na si Keempee de Leon sa pakikipagrelasyon noong kanyang kabataan.

Ito ang inamin ni Kimpoy nang mapag-usapan ang tungkol sa mga naging girlfriend niya at kung bakit palaging nauuwi sa hiwalayan ang mga nagiging relasyon niya.

Sa guesting ng anak nina Joey de Leon at Daria Ramirez sa “Fast Talk with Boy Abunda” walang pag-aalinlangan niyang nabanggit na totoong naging hobby niya noon ang manligaw.

Halos lahat daw ng mga female stars sa showbiz na na-link sa kanya ay talagang niligawan at pinormahan niya.

“Tito Boy, lahat ‘yun totoo na niligawan ko talaga. Walang halong promo, walang halong showbiz. Kung sa matinik, talagang ‘yun ‘yung hobby ko noong araw, na manligaw,” pagbabahagi ni Kimpoy.

“During my time kasi, ako ‘yung tipong select and collect eh, honestly, noong araw.

Baka Bet Mo: Christian Bables sobrang bilib kay Keempee: Ang dami kong natutunan!

“So kapag meron kaming bagay na hindi napagkasunduan, wala, totally iwasan na lang. Goodbye na lang, ganu’n. Wala nang closure talaga,” chika ng aktor.

Nang magkaedad at maging mature ang pananaw sa buhay, na-realize ni Keempee na mali ang kanyang mga nagawa kasabay ng paghingi ng tawad sa mga girls na pinaasa at nasaktan niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Keempee de Leon FP (@keempeedl_fp)


“Noong medyo na-realize ko na ‘yung mga bagay noong nagkaedad na ako, nag-sorry naman ako sa kanila.

“At iisa ang sinabi nila, ‘Possessive ka kasi.’ Seloso ako,” ang diretsahang pag-amin ni Keempee kay Tito Boy.

“Kahit friend niya, magtinginan lang sila, magngitian, away na ‘yun. Iisantabi ko na ‘yun, mag-uusap na kami, mag-aaway na kami, buong gabi away na ‘yun.

“Hindi na namin na-enjoy ‘yun hanggang sa umuwi talaga,” pag-alala ng aktor.

Sa follow-up question ni Tito Boy kung naitama ba niya ang kanyang mga kasalanan, “Na-correct ko siya noong medyo nagkaedad na, eh ”

Sa pagkakatanda ni Keempee, ang huli niyang narelasyon ay non-showbiz noong 2010.

Sa ngayon ay single na single siya at mas gusto muna niyang mas patatagin pa ang kanyang faith kay Lord.

“Binigay ko muna ‘yung time ko sa Diyos. I have the peace and joy of God,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At sa tanong kung ano ang isasagot ni Keempee kapag inurirat siya ng Diyos kung gusto pa niyang mag-asawa, agad siyang tumango, “Opo, Lord. Gusto ko po, gustung-gusto.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending