Carmina umaming 1st dyowa si Keempee; super crush si Lloydie
NAPAAMIN ang Kapuso actress at TV host na si Carmina Villarroel kung sino talaga ang unang naging boyfriend niya sa showbiz.
Aliw na aliw kami sa naging birthday celebration ni Carmina sa nakaraang episode ng weekly talk show niya sa GMA 7 na “Sarap Di Ba?”. She just turned 49 years old last August 17.
Sa isang bahagi ng programa ay sumabak ang wifey ni Zoren Legaspi sa isang game kung saan kailangan niyang i-describe nang madalian ang mga litratong ipakikita sa kanya ng anak na si Mavy.
Baka Bet Mo: Keempee kay Christian: ‘Yung iba malakas ang dating pero mayabang, siya walang bahid… napakanatural!’
At dito nga nabuking kung sino ang first dyowa ng “Abot-Kamay na Pangarap” star at ang kanyang super crush na aktor kung saan napasigaw pa siya nang makita ang litrato nito.
Unang ipinakita ang picture ng co-star niya sa “Abot-Kamay na Pangarap” na si Richard Yap. Tinawag ni Carmina ang aktor na maginoo, “Gentleman siya, malinis at mabango.”
Pero aniya about Richard, “looks can be deceiving” dahil sa totoong buhay daw ay may kakulitan ito at komedyante rin kapag nagkakachikahan sila sa taping.
View this post on Instagram
Sunod namang picture na ipinakita kay Mina ay si Gabby Concepcion na inilarawan lamang niya na “red lips” habang tinawag naman niyang “kuya” si Richard Gomez.
Baka Bet Mo: Christian Bables sobrang bilib kay Keempee: Ang dami kong natutunan!
Halatang nabigla naman ang Kapuso star nang makita ang photo ni Keempee de Leon. Matagal din siyang nag-isip ng sasabihin tungkol sa anak ni Henyo Master Joey de Leon.
Hanggang sa tawagin niya si Kimpoy na, “First boyfriend.” Nakita sa camera ang pagka-shookt ng isa pa niyang anak na si Cassy Legaspi.
Para kay Carmina, crazy at cool ang aktor at dating action star na si Ian Veneracion.
At nang ilantad na ni Mavy ang picture ni John Lloyd Cruz, napatili talaga si Mina at hinablot pa ang litrato nito na hawak ng anak. Tinawag niya ang aktor super crush.
Pero paglilinaw naman agad ng aktres at TV host, “Ang galing niya kasing umarte!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.