Ashley Ortega binalaan ng netizens, Carmina Villarroel damay?

Ashley Ortega binalaan ng netizens, Carmina Villarroel damay?

Therese Arceo - March 11, 2025 - 05:17 PM

Ashley Ortega binalaan ng netizens, Carmina Villarroel damay?

AGAD na nag-viral at naging usap-usapan ang pagpasok ni Ashley Ortega bilang isa sa mga Kapuso stars na kabilang sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab”.

Nitong Linggo, March 9, ibinandera na sa madlang pipol ang mga artista mula sa ABS-CBN at GMA na magsasama-sama para sa pinakabagong edisyon ng “PBB”.

Kaya naman agad na nag-trending si Ashley sa social media kasabay ang pagpapaalala ng mga mga netizens na magpakabait ito sa loob ng bahay.

Dagdag pa nila, mayroon daw umanong nanonood at nagbabantay sa kanyang mga kilos mula sa outside world.

Baka Bet Mo: Ashley Ortega, Michael Sager, Klarisse, Kira, Esnyr pasok sa PBB Collab

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ang tinutukoy ng mga netizens na “magbabantay” sa galaw ni Ashley ay ang Kapuso actress na si Carmina Villarroel.

Matatandaang nitong February 2025 lang nang aminin ng aktres na in a relationship na sila ng isa sa kambal ni Carmina na si Mavy Legaspi na isa rin sa mga hosts.

Nangyari ang pag-amin sa kanyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” matapos maispatang magkasama at sweet na sweet sina Ashley at Mavy habang nasa Cebu para sa Sinulog Festival.

Narito ang mga komento ng netizens sa pagpasok ng dalaga sa Bahay Ni Kuya”.

“Mag ingat ka sa loob Ng bahay ni kuya babantayan ka ni mother knows best,” sey ng isang netizen kay Ashley.

Comment naman ng isa, “Ingat sa loob ng bahay te, napapanood ka ng mama ng jowa mo.”

“magpakabait ka sa loob ha Ashley, mahirap na naka bantay mama ng jowa mo baka ma mother knows best ka!!” chika pa ng isa.

Samantala, wala pa namang komento si Carmina sa mga pahaging ng mga netizens sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama ni Ashley mula sa hanay ng Sparkle artists sina Michael Sager, Mika Salamanca, Dustin Yu, Josh Ford, Charlie Fleming, Will Ashley, at AZ Martinez.

Samantala, ang mga Star Magic artists naman na pasok ay sina AC Bonifacio, Esnyr, Brent Manalo, Klarisse De Guzman, River Joseph, Ralph De Leon, Kira Balinger, at Ivana Alawi (house guest).

Sa ngayon ay nasa loob rin ng PBB house si Mavy kasama si Ashley at wala pang anunsyo si Big Brother kung kailan ito makakalabas sa outside world.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending