Cassy Legaspi, Carmina Villarroel may patama ba kay Darren?

Cassy Legaspi, Carmina Villarroel may patama ba kay Darren Espanto?

Therese Arceo |April 10,2024
facebook
share this

Cassy Legaspi, Carmina Villarroel may patama ba kay Darren Espanto?

Therese Arceo - April 10, 2024 - 04:16 PM

Cassy Legaspi, Carmina Villarroel may patama ba kay Darren Espanto?

USAP-USAPAN ngayon kung mayroon nga bang hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Darren Espanto at Cassy Legaspi.

Ito ay kaugnay ng mga naging Instagram stories ng Kapuso actress at ng ina nitong si Carmina Villarroel na bagamat walang pangalang binanggit ay pilit na ikinakabit ngayon sa Kapamilya singer-actor.

Nag-post kasi si Cassy ng kanta na “Perfect Crime” ni Olivia Rodrigo habang isang quote naman ang ibinhagi ni Carmina na mg nakasulat na “Don’t expect the same in return”.

Isa sa nakikitang dahilan ng netizens ay ang naging pag-amin ni Darren sa tunay relasyon nila ng Kapuso star na single siya at mg-bestfriend lamanf sila ng babaeng anak nina Carmina at Zoren.

Baka Bet Mo: Darren Espantomay inamin tungkol kay Cassy Legaspi; type maka-collab si Jillian

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Makulit sila! Sabi ko best friends lang kami eh,” pagbabahagi ni Darren sa interview.

Pagpapatuloy pa niya, “Best friends talaga. It’s something a lot of people won’t get. Hindi ko alam paano explain pero syempre andun ‘yung pagmamahal namin sa isa’t isa.”

Matatandaang noon pa man ay inaakusahan na si Carmina na masyado niyang bine-baby ang mga anak na sina Cassy at Mavy lalo na nang pumutok ang isyung hiwalay na ito kay Kyline Alcantara.

Sinabi pa nga nya noon sa isang episode ng “Sarap Di Ba?” na kanyang hino-host na bilang magulangvay handa siyang protektahan ang mga anak.

Samantala, wala pa namang pahayag o paglilinaw sina Cassy at ang ina nito ukol sa chikang kumakalat sa social media.

Mananatili namang bukas ang BANDERA para sa pahayag ng mga kampong sabgkot sa isyung ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending