Darren Espanto nagka-'wardrobe malfunction' sa Qatar show

Darren Espanto nagka-‘wardrobe malfunction’ sa Qatar show, netizens naloka

Pauline del Rosario |December 10,2023
facebook
share this

Darren Espanto nagka-‘wardrobe malfunction’ sa Qatar show, netizens naloka

Pauline del Rosario - December 10, 2023 - 05:51 PM

Darren Espanto nagka-'wardrobe malfunction' sa Qatar show, netizens naloka

PHOTO: Screengrab from Instagram/@darrenespanto

MAGKAHALONG nagulat at humanga ang maraming netizens sa ibinanderang video ng singer na si Darren Espanto sa social media.

Ipinakita kasi ni Darren ang nangyaring “wardrobe malfunction” habang siya ay nagtatanghal sa Qatar kamakailan lang.

Sa Instagram, mapapanood ang maikling clip ng video na kitang-kita kung paano napunit ang pantalon ng singer.

Halatang naramdaman ito ni Darren kaya naman ay bigla niya itong tinakpan habang all-out pa rin sa pagpe-perfrom.

Ayon pa sa kanyang caption, hindi niya malilimutan ang naging show sa nasabing bansa.

“Qatar, I definitely won’t forget this show,” sey niya.

Chika pa niya, “Opening palang, napunit na agad pantalon ko.”

Baka Bet Mo: Moira naibigay na ang ‘PasaBuy’ na danggit sa Qatar, sey ng fan: ‘Super saya dahil ang tagal ko nang ‘di nakauwi ng Pinas’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Darren Espanto (@darrenespanto)

Maraming netizens naman ang lokang-loka sa post ni Darren, pero karamihan sa mga nagkomento ay humanga sa pagiging professional singer niya.

Narito ang mga nabasa namin sa comment section:

“OMG hilarious [laughing emoji] Kailangan pagdaanan yan ng bawat performer. Congratulations”

“Very professional ang bebe D, kahit napunitan ng pantalon… THE SHOW MUST GO ON!”

“The show must go in! That’s our DARREN [green heart emoji] pero sorry na Espanto natawa talaga ako hahahahaha”

“You’re every inch a professional @darrenespanto!!! You’ll go a long way! All the best to you!!!!”

Napa-comment din ang ilang fans na nakapanood sa Qatar show ni Darren at karamihan sa kanila ay nagsasabing hindi nila napansin ang nangyari sa kanya.

Heto ang ilan sa mga sentimyento nila:

“Omg kahit nasa harapan kami nakaupo ‘di namin napansin kasi sa sobrang galing mo at sA mukha mo kami naka-focus gwapoooooo mo anak!!!!!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“We love you so much D! Hindi ko napansin kahit nasa unahan ako, nakatitig kasi ako sa mukha mo [emojis] still great performance [Qatar flag emoji]”

“Ganyang ka KAGALING! ‘Di ‘yan napansin ng mga nasa unahan kasi sa mukha at husay ng galaw mo ang nakakuha ng atensyon ng mga nanonood, kung ‘di mo pa ito pinost, walang makakaalam [laughing emoji] Dahil diyan, pinatunayan mo lang na talagang mahusay kang performer.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending