Darren Espanto certified Kapamilya na, first time mabigyan ng kontrata: It felt so surreal!
DREAM come true para sa tinaguriang Asia’s Pop Heartthrob na si Darren Espanto ang maging isang tunay na Kapamilya.
‘Yan ay matapos niyang pirmahan ang kauna-unahan niyang kontrata with ABS-CBN kamakailan lang.
Ibinandera mismo ni Darren ang proud moment sa kanyang Instagram account at makikita sa mga litrato na kasama niya ang ilang mga big boss ng nasabing TV network.
Present sa contract signing event ang chairman na si Mark Lopez, president and CEO Carlo Katigbak, COO of broadcast Cory Vidanes, head of TV production and Star Magic head Laurenti Dyogi, at Star Magic handler na si Edith Farinas.
“I am now a certified Kapamilya! [red, green, blue heart emojis],” masayang wika ni Darren sa IG post.
Baka Bet Mo: Darren umiiyak na naglabas ng saloobin sa mga magulang: Hinding-hindi ko kayo gustong bastusin, ever…
Sey pa niya, “Signed my first contract with ABS-CBN today! It felt so surreal.”
Kasunod niyan ay lubos din siyang nagpasalamat sa lahat ng mga gumagabay at sumusuporta sa kanya, kabilang na riyan ang kanyang pamilya, mga kaibigan at fans.
“Thank you to my ABS-CBN Family, Star Magic Family, the Darrenatics and to all of you who have been a part of my journey, especially to my Mom and Dad, my little sister, friends and relatives! I wouldn’t be here without all of you!,” lahad ng singer.
Aniya pa, “Here’s to more fruitful days with you all, my dear Kapamilyas! To God be the Glory! [folded hands emoji]”
View this post on Instagram
Maliban sa fans, maraming kapwa-celebrities din ang nagpahayag ng “congratulatory” messages sa kanyang post.
Kabilang na riyan sina Ogie Diaz, Chie Filomeno, Jona, at Amy Castillo.
Kung maaalala, nagsimulang makilala si Darren matapos siyang magwaging first runner-up sa singing competition na “The Voice Kids” season 1.
Bukod sa pagkanta ay ilang beses na ring tumampok sa ilang proyekto ng ABS-CBN ang singer.
Kabilang na riyan ang 2018 blockbuster film na “The Hows of Us” kung saan bida ang loveteam na KathNiel, pati na rin sa 2022 iWantTFC musical series na “Lyric and Beat” na kung saan ay bida sina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Seth Fedelin at AC Bonifacio.
Bukod diyan, isa rin siya sa mga hurado ng “Tawag ng Tanghalan” season 6 ng noontime show na “It’s Showtime.”
Related Chika:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.