Pagiging 'bad boy' at 'mysterious' ni Miguel sa teleserye ikinagulat ng fans; pinagkaguluhan sa GenSan | Bandera

Pagiging ‘bad boy’ at ‘mysterious’ ni Miguel sa teleserye ikinagulat ng fans; pinagkaguluhan sa GenSan

Ervin Santiago |September 12,2022
facebook
share this

Pagiging ‘bad boy’ at ‘mysterious’ ni Miguel sa teleserye ikinagulat ng fans; pinagkaguluhan sa GenSan

Ervin Santiago - September 12, 2022 - 08:06 AM

Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega

HINDI magkamayaw ang fans nang bumisita si Kapuso Ultimate Heartthrob Miguel Tanfelix sa General Santos City para sa taunang Tuna Festival.

Hinarana ng “What We Could Be” star ang kanyang mga tagasuporta sa Kapuso Fiesta event na hatid ng GMA Regional TV kamakailan.

Nakisaya rin sa mga taga-GenSan ang leading lady ni Miguel na si Ysabel Ortega at ang mga bida ng “Return To Paradise” na sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva.

Bago ang Kapuso Fiesta ay nilibot ng mga Kapuso star ang major streets ng GenSan para sa Kapuso Float Parade Participation.

Mapapanood sa Instagram post ng Sparkle GMA Artist Center ang hiyawan ng supporters ni Miguel.

Pinagkaguluhan din ang aktor nang bumaba ito ng stage para lumapit at makipagkamay sa fans.

Masuwerte naman ang isang tagahanga ni Miguel na kinantahan niya on-stage with matching selfie at holding hands pa!

Talagang hindi madi-deny ang charm at talent ng Kapuso Ultimate Heartthrob kaya naman marami ang sumusubaybay sa kanyang pagganap bilang si Franco sa primetime series na “What We Could Be.”

View this post on Instagram

A post shared by Miguel Tanfelix (@migueltanfelix_)


Nasorpresa rin ang viewers dahil for the first time, mala-bad boy at mysterious ang kanyang role sa serye.

Pero bukod sa husay ni Miguel, napapa-wow rin ang viewers sa magaling na pagganap ng kanyang ka-loveteam na si Ysabel Ortega bilang Cynthia.

“Ito ang first lead role ni Ysabel at hindi niya binigo ang kanyang fans dahil mapa-drama, kilig, o kwelang scene ay talagang all-out ang kanyang acting skills.

Marami pang dapat abangan sa inspiring yet intriguing na kuwento ng “What We Could Be” mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “Lolong” sa GMA at sa GTV tuwing 11:30 p.m., Lunes hanggang Huwebes habang 11 p.m. naman tuwing Biyernes.

* * *

Ilang tulog na lang at mapapanood na sa GMA Afternoon Prime ang bagong family drama series na may hatid na kakaibang kwento tungkol sa pamilya, ang “Nakarehas Na Puso.”

Malapit nang makilala ang Pamilya Galang na pinagbibidahan nina Jean Garcia, Michelle Aldana, at Leandro Baldemor.

Kasama rin sa family drama series sina Vaness Del Moral, Edgar Allan Guzman, Claire Castro, Ashley Sarmiento, Bryce Eusebio, Chanel Latorre, Marnie Lapuz, Analyn Barro, at Dang Cruz.

Sinu-sino nga ba ang mga makakatapat ng pamilya nina Amelia (Jean) at asawa niyang si Jack (Leandro)? At ano ang mga pagsubok na haharapin ni Amelia para sa kanyang pamilya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan ang “Nakarehas Na Puso” ngayong Setyembre na sa GMA Afternoon Prime.

Miguel Tanfelix umamin na kay Ysabel Ortega: Yung mga traits na hinahanap ko sa babae, nakikita ko sa kanya

Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega magdyowa na?

Miguel sa bagong leading lady: Exciting para sa akin ang loveteam na ‘to kasi si Ysabel ang kasama ko

Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega walang arte sa katawan, pinuri ng mga katrabaho: Marespeto sila at hindi pasaway

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending