Jean Garcia tinawag na ‘leader’ si Ruru Madrid: Napakagaling niya!
GRABE ang mga natanggap na papuri ng Kapuso Primetime Action Hero na si Ruru Madrid mula sa mga kasamahan niya sa action-adventure series ng GMA na “Lolong: Bayani ng Bayan.”
Magsisimula na sa darating na June 20, ang pinakaaabangang sequel ng hit Kapuso series na “Lolong” na itinanghal na “most watched TV show” noong 2022.
Ito’y pagbibidahan pa rin siyempre ng award-winning actor na si Ruru Madrid na hindi lang isang mahusay na artista kundi isa ring mabuting leader.
Ganyan inilarawan si Ruru ni Jean Garcia, na nagbabalik nga sa season 2 ng “Lolong” bilang si Doña Banson, ang dating first lady ng probinsiya na ngayon ay nasa kulungan na.
Kuwento ni Jean sa naganap na grand mediacon ng “Lolong: Bayani ng Bayan” kamakailan na ginanap sa Gateway Mall 2, saksi siya kung paano inaasikaso ni Ruru ang buong production para maging maayos ang lahat ng kanilang mga katrabaho.
Baka Bet Mo: Ruru Madrid emosyonal sa presscon ng ‘Lolong’, muntik nang sumuko: Napilay ako, napako, lahat pinagdaanan namin dito
“‘Yung Lolong kasi, isinapuso niya kasi talaga. Hindi lang siya ‘yung sa work as an actor, pero as a person din. Kapag may problema sa set, dahil siya ang bida, talagang ginagawan niya ng paraan.
View this post on Instagram
“Pag-uusapin niya para maging kampante at maging kalmado ‘yung set namin,” sey ni Jean.
Napatunayan din daw ng lahat ng co-stars ni Ruru ang sinseridad at propesyonalismo nito pagdating sa trabaho. May kusa rin ang aktor at tunay na nagmamalasakit sa lahat.
“Basically, leader siya. Hindi lang siya aktor, leader din siya ng grupo. Gumigitna siya para magkaintindihan ang lahat.
“Food nga lang, may problema sa food, punta siya sa production. Pinakikinggan si Ruru,” saad pa ni Jean.
Sey pa ng seasoned actress, mabuti at magaling na leader ang aktor dahil sa pagiging honest at straightforward ni Ruru sa lahat.
“Si Ruru kasi, pakikinggan mo kasi nandu’n ‘yung sinseridad, eh. Totoo ‘yung lahat ng sinasabi niya at ginagawa niya talaga. I’m very, very proud of Ruru,” sabi pa ng aktres.
Nagbigay din ng mensahe si Jean sa pagkapanalo ni Ruru bilang Best Supporting Actor sa Metro Manila Film Festival 2024 para sa entry na “Green Bones.”
“Magaling na aktor! Ang laki na (ng improvement). Mula noon hanggang ngayon, malaki ang pagbabago. Saka ‘yung doble sipag siya eh, parang 10 times pa nga ‘di ba? Napakasipag na bata,” pagbabahagi pa ni Jean.
Mapapanood na ang pagbabalik ng dambuhalang adventure serye sa Philippine primetime, ang “Lolong: Bayani ng Bayan” simula sa January 20 sa GMA Prime.
Bukod kina Ruru at Jean, bibida rin sa serye sina Shaira Diaz, Rochelle Pangilinan, Paul Salas, Mikoy Morales, Alma Concepcion, Maui Taylor, John Arcilla, Rocco Nacino, Martin del Rosario, Klea Pineda at Tetchie Agbayani.
Ka-join din dito sina Victor Neri, Nonie Buencamino, Rodjun Cruz, Pancho Magno, Michelle Dee, Nikki Valdez, Bernadette Allyson, Boom Labrusca, Jan Marini, Gerard Pizarras, Archi Adamos, Nicco Manalo, Nikko Natividad, John Clifford, Waynona Collings, Rubi Rubi, Inah Evans, Barbiengot Forteza, Joe Vargas, Karenina Haniel, at Leo Martinez.
Ito’y mula sa direksyon nina King Mark Baco at Rommel Penesa, mula sa GMA Public Affairs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.