Ruru Madrid emosyonal sa presscon ng 'Lolong', muntik nang sumuko: Napilay ako, napako, lahat pinagdaanan namin dito | Bandera

Ruru Madrid emosyonal sa presscon ng ‘Lolong’, muntik nang sumuko: Napilay ako, napako, lahat pinagdaanan namin dito

Ervin Santiago - June 21, 2022 - 01:20 PM

Ruru Madrid

THREE years in the making ang upcoming action-adventure series ng GMA 7, ang “Lolong” na pinagbibidahan ni Ruru Madrid, Shaira Diaz at Arra San Agustin.

Inamin ni Ruru na tinaguriang Kapuso Action-Drama Prince na napakaraming challenges ang hinarap ng buong production bago nila natapos ang “Lolong” na idinirek nina Rommel Penesa at Rado Peru.

Nagsimula ang production ng serye noong 2019 ngunit natigil nga ito nang magkaroon ng COVID-19 pandemic. Nang bumalik sa lock-in taping ang cast, naaksidente naman si Ruru sa set at muling nahinto ang kanilang shoot.

Sa naganap na virtual presscon ng “Lolong” kahapon, June 20, proud na ipinagmalaki ni Ruru ang resulta ng halos tatlong taon nilang pagpapaganda sa programa.

“Grabe, napakaraming pinagdaanan nitong programa pong ito, maraming mga pagsubok, maraming delays, pero masasabi ko na lahat po nang ‘yun, worth it po.

“Masasabi ko na totoo po talaga na kung ano man ‘yung mga bagay na nangyayari po sa atin — masaya man ‘yan or paminsan-minsan hindi natin matanggap kung bakit nagyayri ‘to, darating ‘yung araw na mari-realize natin na kaya pala nangyari ‘yun kasi ito ‘yung kapalit noon.

“At ito na po ‘yun, mapapanood na po natin sa July 4, ‘Lolong,'” pahayag ng hunk actor na sinundan ng palakpakan at hiyawan ng kanyang mga co-stars.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


Pagpapatuloy pa niya, “Napilay ako, napako ako, lahat po pinagdaanan na po namin kaya sana po, sana po talaga mapanood n’yo kung ano po ‘yung pinaghirapan namin.”

Pag-amin pa ni Ruru may mga pagkakataon na muntik na rin siyang sumuko dahil feeling niya hindi na kaya ng kanyang powers na tapusin ang “Lolong.”

“Parang hindi ko na kaya pero lahat ng mga nakasama na lang po yung tinitingnan ko dahil wala po sa kanilang gustong sumuko kaya wala po akong karapatan sumuko rin. Kaya ganu’n ko po kayo kamahal.

“Ito po ay hindi ito pang-taping lang. Hindi taping friends ‘to kumbaga habangbuhay ko kayong mamahalin sa kadulu-duluhan ng buhay ko lalo ka na DJ Durano,” sabi pa ni Ruru sabay tingin sa mga kasama niya sa serye kabilang na ang mga veteran stars na sina Christopher de Leon, Jean Garcia at Bembol Rocco.

Dagdag pang mensahe ni Ruru, “Masasabi ko lang na malaki rin po ang maiaambag nito sa ating bansa dahil ita-tackle po natin dito yung mga nangyayari po sa ating bansa like corruption, mga sumisira sa kalikasan.

“Kumbaga ‘yung mga sakim sa kapangyarihan. Marami pong ganu’n na maipapasok po rito sa programa kaya para po sa mga kabataan maaaring makapagsilbi itong inspirasyon sa kanila na wag natin hayaan na kumbaga na hayaan yung mga taong ganon sa atin kumbaga ipaglaban natin yung mga karapatan natin,” diin ng binata.

Sa tanong naman kung may maituturing ba siyang “buwaya” sa buhay niya ngayon, “At first siguro maituturing ko pong mga buwaya sa buhay ko yan ‘yung mga pagsubok na pinag­dadaanan ko kumbaga yan kasi yung tipong kailangan kong labanan para magtagumpay ako.

“Sabi nga nila it’s not the destination, it’s the journey kumbaga kahit na gaano pa kahirap yung pinagdaanan mo kung hindi mo nanamnamin yun, parang wala rin yung pagkanakarating ka sa dulo.

“So yun for me, mas papahalagahan lang natin kung anong meron po tayo,” tugon ni Ruru.

Mensahe pa niya sa lahat ng Kapuso viewers at sa press, “Maraming, maraming salamat po uli sa inyo. Hopefully magustuhan niyo po itong programang hinanda namin para sa inyo. Mga tatlong taon po namin ginawa.

“Pinag-isipang maigi, pinaghandaan, kaya masasabi po namin na talagang wala po kaming pagsisisihan sa kung ano pong nangyari sa buhay namin dito. Basta nabigay po namin ‘yung best po namin.

Maraming maraming salamat, dahil po ‘yan sa inyo. Thank you po,” bahagi pa ng message ni Ruru.

Iikot ang kuwento ng serye sa makulay at masalimuot na buhay ng binatang si Lolong, na may kakayahang makipag-usap sa higanteng buwaya na nagngangalang Dakila.

Kasama rin sa serye sina Malou de Guzman, Rochelle Pangilinan, Paul Salas, Maui Taylor, Ian de Leon, Marco Alcaraz, Mikoy Morales, Rafael Rosell, at ang 22-foot animatronic crocodile na si Dakila.

Abangan ang world premiere ng “Lolong” sa July 4, 8 p.m. p.m. sa GMA Telebabad.

https://bandera.inquirer.net/306139/ruru-madrid-hindi-nagpa-double-sa-lolong-lahat-ng-buwis-buhay-stunts-ako-ang-gumawa

https://bandera.inquirer.net/307460/ruru-madrid-naaksidente-sa-taping-ng-lolong-napuruhan-ang-kanang-paa-im-very-sad

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/296591/ruru-madrid-biglang-nagbago-ang-itsura-nagparetoke-nga-ba-ng-ilong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending