Darren dedma sa nangnega sa mga pa-yummy birthday photo: Yung iba kasi mema lang! | Bandera

Darren dedma sa nangnega sa mga pa-yummy birthday photo: Yung iba kasi mema lang!

Ervin Santiago |June 09,2021
facebook
share this

Darren dedma sa nangnega sa mga pa-yummy birthday photo: Yung iba kasi mema lang!

Ervin Santiago - June 09, 2021 - 04:25 PM

NA-MASTER na ng Kapamilya singer-actor na si Darren Espanto ang pangdededma sa mga  bashers at trolls sa social media.

Kaya naman sa lahat ng mga nangnega at nang-okray sa tinawag ni Darren na “more mature” birthday photo shoot kamakailan, na umaasang papatulan sila ng binata, manatay na lang kayo sa inggit.

Ayon kay Darren, naniniwala siya na kahit pa anong gawin o isagot niya sa mga panglalait sa kanya, may masasabi at masasabi pa rin ang mga haters. Kaya mas mabuting huwag na niyang sagutin ang mga ito.

“Alam n’yo po talaga isa ako sa mga tao na hindi talaga naaapektuhan sa mga bashers at sinasabi ng haters.

“Seriously, medyo nawiwirduhan sa akin ‘yung pamilya ko or people close to me. ‘Grabe yung personality mo no? Kaya mong magbasa ng comments mo sa Instagram, Twitter, Facebook,’” pahayag ng award-winning singer sa virtual mediacon kahapon para sa upcoming concert niyang “Home Run”.

Dito nga niya nabanggit na hindi na talaga siya tinatablan o naaapektuhan ng negative comments sa kanya sa social media. Ngunit may mga pagkakataon na naiintindihan niya ang ilang netizens kapag may napapansing hindi kagandahan sa kanya.

“There’s constructive criticisms and there’s just criticism. You have to find out how you’re going to be able to react to those comments. 

“Ako kaya ko siyang basahin na walang reaction kasi kung alam mo namang hindi totoo, bakit ka magpapadala doon?” paliwanag pa ng binata.

Punto pa niya, “Alam naman nating marami ring tinatawag na mema (me masabi lang).” 

At sa kabila ng mga negatibong comments tungkol sa mas mature at mas pa-yummy na birthday photos, nagpapasalamat pa rin ang binata sa lahat ng nagulat, nanibago at na-shock sa pagbabago ng kanyang image.

“There are a lot of positive reactions. A lot of people on Twitter are saying na ‘Yesterday this kid was just 15. Now I can’t believe this is what he looks like.’ I’d say na-achieve namin ng team ko ‘yung rebranding and growth for myself as an artist,” pahayag ni Darren.

Sa ngayon, naghahanda na siya nang bonggang-bongga para sa kanyang “Home Run” digital concert na matagal nang inaabangan ng kanyang fans mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Available na ito for streaming on KTX.ph, iWantTFC, TFC IPTV and SkyCable pay per view on June 19 at 8 p.m. (Manila time) with a rerun on June 20 at 10 a.m. (Manila time).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending