Jane nakaranas ng wardrobe malfunction sa ABS-CBN Christmas special; nagtago sa likod ni Joshua | Bandera

Jane nakaranas ng wardrobe malfunction sa ABS-CBN Christmas special; nagtago sa likod ni Joshua

Ervin Santiago |December 19,2021
facebook
share this

Jane nakaranas ng wardrobe malfunction sa ABS-CBN Christmas special; nagtago sa likod ni Joshua

Ervin Santiago - December 19, 2021 - 03:11 PM

Jane de Leon at Joshua Garcia

BAGO raw lagyan ng malisya, may kuwento pala kung bakit biglang “yumakap” ang Kapamilya actress at ang bagong Darna na si Jane de Leon kay Joshua Garcia sa last part ng ABS-CBN Christmas special na ipinalabas kagabi.

Usap-usapan kasi ngayon ng mga netizens sa social media ang closing production number ng Kapamilya Christmas special kung saan nagsama-sama ang halos lahat ng sikat na artista ng ABS-CBN.

Kinanta ng mga Kapamilya stars ang theme song ng kanilang Christmas station ID na “Andito Tayo Para sa Isa’t Isa” at nakasama nga riyan ang mga bida ng “Darna: The TV series” na sina Joshua at Jane.

In fairness, marami ang nagsabi na bagay na bagay pala on screen ang dalawa lalo na nang i-focus na sila sa camera habang magkatabing kumakanta. 

Pero mas kinilig pa ang fans nang makita nga nila si Jane na nasa likuran na at nakayakap kay Joshua habang patuloy pa ring sumasabay sa pagkanta sa themesong ng Kapamilya Christmas station ID.

May mga netizens pa na nag-post sa social media ng mga screenshot ng “yakapan” nina Joshua at Jane at nagsabing perfect daw together ang mga bida sa bagong TV remake ng “Darna.”

Ngunit ang kuwento, may nangyari pala kaya nakayakap ang kanang braso ni Jane sa may leeg ni Joshua mula sa likuran — nakaranas pala ng wardrobe malfunction si Darna on stage.

View this post on Instagram

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)


Kung panonoorin n’yong mabuti ang show (nasa YouTube channel ng ABS-CBN), sa kalagitnaan ng final production number, biglang focus kay Megastar Sharon Cuneta ang camera para sa kanyang closing spiel at pagkatapos ay muli ngang kumanta ang mga Kapamilya stars.

At nang ipakita muli sina Joshua at Jane ay tila nagkatinginan sila sabay hawak ng dalaga ang isang strap ng kanyang dress. 

Bumaling sandali ang camera sa iba pang Kapamilya celebrities at nang ipakita uli ang magka-loveteam ay nasa likuran na ni Joshua si Jane.

Bukod sa pagyakap sa leeg ng aktor, mapapansin din ang daliri ni Jane na nasa kanyang dibdib na posibleng hawak na nga ang napigtal na strap para hindi tuluyang mahubaran.

Sa kanyang Twitter account, isang maikling mensahe ang ipinost ni Jane kung saan nabanggit nga niya ang tunay na nangyari habang nasa stage sila ni Joshua.

“Thank you @iamjoshuagarcia for helping me cover my wardrobe malfunction!” tweet ng aktres na agad namang ni-like ni Joshua.

Maraming nagkomento sa tweet ni Jane na bagay na bagay daw sila ng bago niyang leading man at sana raw ay mauwi rin sa totohanan ang kanilang relasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May ilang fans din si Jane na nagsabing napaka-gentleman ni Joshua dahil sa pag-cover sa dalaga nang magkaroon ito ng wardrobe malfunction.

Jane naiyak nang isuot na ang Darna costume: Totoo na po ito, hindi na prank!

Joshua malaki ang utang na loob sa KathNiel: Sobrang swerte ko na naging kaibigan ko sila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending