Joshua, Emilienne magkasama sa Japan matapos ang ‘MOMOL’ issue
MUKHANG all is well naman sa pagitan ng couple na sina Joshua Garcia at Filipino-French athlete Emilienne Vigier.
Magkasama kasing lumipad papuntang Japan ang dalawa upang mag-bonding during the holiday season.
Magugunitang nasangkot sa kontrobersya ang aktor matapos kumalat ang chikang nanggalaiti sa galit ang Kapamilya actor na si McCoy de Leon nang malamang nagmo-MOMOL ang partner niyang si Elisse Joson at si Joshua.
Sa Instagram nina Joshua at Emilienne, masaya nilang ibinandera ang ilang moments sa naging bakasyon at pamamasyal kasama ang mga kaibigan.
Makikita sa ilang pictures ang magandang view ng Mt. Fuji, ang paglalaro nila sa snow, at siyempre, hindi mawawala ang pagbandera nila ng mga masasarap na pagkain sa Japan.
View this post on Instagram
View this post on Instagram
Siguro nagkaayos na ang dalawa kaya enjoy na enjoy nila ngayon ang kanilang holiday trip.
Magugunitang ibinalita ng showbiz insider na si Ogie Diaz na may nagsabi sa kanya na namataan daw sina Joshua at Elisse na nagmo-MOMOL during the Star Magical Christmas Ball 2024 na naganap noong Nobyembre.
Naging aware raw riyan si McCoy kaya ito ay nanggalaiti sa galit at nagbanta pa laban kay Joshua.
Gayundin si Emilienne na nalaman ang nangyari, pero ito raw ang umaayos sa relasyon nila ni Joshua.
Until now, nananatili pa ring tahimik ang kampo nina Joshua at Elisse kung may katotohanan ba ang kumakalat na isyu.
Samantala, mula pa noong June 2023 ay iniintriga na sina Emilienne at Joshua kung magdyowa nga ba sila dahil na rin madalas silang mapansin ng mga netizens na magkasama.
Si Elisse naman ay in a relationship kay McCoy at mayroon silang anak na si Felize McKenzie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.