Joshua Garcia, Emilienne Vigier magkasama nga bang rumampa sa Italy? | Bandera

Joshua Garcia, Emilienne Vigier magkasama nga bang rumampa sa Italy?

Therese Arceo |September 13,2023
facebook
share this

Joshua Garcia, Emilienne Vigier magkasama nga bang rumampa sa Italy?

Therese Arceo - September 13, 2023 - 11:24 PM

Joshua Garcia, Emilienne Vigier magkasama nga bang rumampa sa Italy?

CURIOUS ang mga netizens kung magkasama nga ba ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia at ang Filipino-French athlete na si Emilienne Vigier.

Base kasi sa mga pictures na ina-upload ng dalawa sa kanilang social media accounts ay may pagkakaparehas ang mga lugar na kanilang pinupuntahan.

Tulad ba lang ng mga larawan na ibinahagi nina Joshua at Emilienne na tila kuha sa parehong lugar na may ibang angle lang.

At kahit nga walang ibinabahaging larawan together ang dalawa ay malakas ang kutob ng mga netizens na talagang magkasama st may namamagitan talaga sa kanilng dalawa.

“Grabe Joshua ang galing mo para kang nag concert sa milan kaya mo kumanta, sumayaw at magpakilig ang galing pa umacting nasayo na ang lahat talaga, tapos may jowa ka pang maganda [emojis] @emiliennevigier. Napaka blessed mong bata ka,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Napaka pretty ni @emiliennevigier, im so happy for you both! Feeling close lang ako hahaha pero happy talaga akooo, kilig sa mga stories.”

Baka Bet Mo: Joshua Garcia bagong ‘gym buddy’ ni Emilienne Vigier, may pa-soft launch sa Instagram?

Hirit naman ng isa kay Joshua, “So @emiliennevigier was the one who take this shot, atm.”

“@emiliennevigier magiloveyou ka nmn sa comment,” kantiyas naman ng isang netizen.

Matagal nang laman ng usap-usapan ng mga marites at ng madlang people kung ano nga ba ang real score sa pagitan nina Joshua at Emilienne.

Ilang beses na rin kasi silang nakitang magkasama ng mga netizens na magkasama maging ang pagkakaparehas ng kanilang mga larawan na tila nagpapahiwatig na may something sa kanila.

Isa pa sa mga bagay na nagpatibay na mayroong relasyon ang dalawa ay ang larawang ibinahagi si Emilienne kasama si Joshua na may caption na “Jtmmmm”.

Sey ng netizens, ang caption daw ay ang short term ng “je t’aime”, isang French word na ang ibig sabihin ay “i love you”.

Sa kabila nito ay wala pa ring direktang kumpirmasyo mula kina Joshua at Emilienne ukol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Bago pa man ang pagkaka-link ng Kapamilya actor sa Filipino-French athlete ay na-link muna ito sa content creator na si Bella Racelis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, ang huling public relationship ni Joshua ay kay Julia Barretto na nagtapos noong 2019.

Related Chika:
Joshua Garcia buking ng netizens dahil sa ‘chicken & pork katsu’, dyowa na raw ang French-Filipino athlete na si Emilienne Vigier

Tanong ng mga Marites: Joshua Garcia, Emilienne Vigier nagli-live in na nga ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending