Tanong ng mga Marites: Joshua Garcia, Emilienne Vigier nagli-live in na nga ba? | Bandera

Tanong ng mga Marites: Joshua Garcia, Emilienne Vigier nagli-live in na nga ba?

Ervin Santiago |August 07,2023
facebook
share this

Tanong ng mga Marites: Joshua Garcia, Emilienne Vigier nagli-live in na nga ba?

Ervin Santiago - August 07, 2023 - 07:48 AM

Tanong ng mga Marites: Joshua Garcia, Emilienne Vigier nagli-live in na nga ba?

Joshua Garcia kasama ang staff ng isang cleaning services

KANYA-KANYANG post ng kanilang reaksyon ang mga netizens tungkol sa real score sa pagitan ng rumored couple na sina Joshua Garcia at Filipina-French athlete Emilienne Vigier.

Feeling nila, magkarelasyon na talaga ang dalawa at mukhang nagli-live in na raw ang mga ito base sa mga naglalabasang “resibo” sa social media.

Ito’y matapos ngang kumalat ang Facebook post ng isang cleaning services na nagsasabing regular customer nila sa pagpapalinis sina Joshua at Emilienne.

Sa FB page ng Sanispace Cleaning makikita ang picture ng staff na kasama si Joshua kalakip ang kanilang disclaimer na may permiso raw ni Joshua ang pagpo-post nila ng litrato nito. Sa isang bahagi ng caption, nabanggit din ang pangalan ni Emilienne.

“*Edit: Posted with permission.

“Thank you Mr. Joshua Garcia @garciajoshuae and Ms. Emilienne Vigier @emiliennevigier for hiring our cleaning services!

“Our staff had a blast working for such kind and humble people. We always strive to do our best effort for all clients, having such great people to work for is just a bonus,” ang mensahe ng pasasalamat ng naturang cleaning services.

Sandamakmak ang nagkomento sa nasabing FB post at karamihan ay nagtatanong kung nagsasama na ba sa iisang bahay sina Joshua at Emilienne.

Joshua Garcia at Emilienne Vigier

“Ay tapos na pala ang pilahan! May nakapag uwi na kay Jushua!”

Baka Bet Mo: Angeline umaming nagli-live in na sila ng non-showbiz dyowa; plano rin magpakasal sa tamang panahon

“Akala ko kasama si Joshua sa cleaning staff hahaha ba’t kasi naka-white rin siya.”

“Baka bahay-bahayan ang peg eme.”

“Live in ba sila.”

“Alam na this.”

“What is the meaning of this??”

“‘Yung gusto mo ng lowkey relationship lang pero pi-nost naman kayo ng isang page. HAHAHAHA!”

Hanggang ngayon ay hindi pa nagsasalita si Joshua at maging at atleta tunglol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Joshua Garcia ipinagluto si Emilienne Vigier, pila para sa binata tinapos na nga ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joshua Garcia buking ng netizens dahil sa ‘chicken & pork katsu’, dyowa na raw ang French-Filipino athlete na si Emilienne Vigier

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending