Bossing Vic naglabas ng ‘resibo’ para patunayang solid na solid pa rin ang TVJ sa gitna ng mga isyung kinakaharap ng ‘Eat Bulaga’
SIMPLENG-SIMPLE pero kumakagat at napakalakas ng dating ng naging “sagot” ni Bossing Vic Sotto patungkol sa kinakaharap na kontrobersya ng kanilang programang “Eat Bulaga.”
Marami nang pinakawalang rebelasyon ang kaibigan at kasamahan niya sa longest-running noontime show sa bansa na si former Sen. Tito Sotto kaugnay ng mga isyung may kinalaman sa pagpapatakbo ng kanilang programa.
Kinontra ni Tito Sen ang ilang pahayag ni Dapitan Mayor Bullet Jalosjos na isa rin sa mga executive ng TAPE Inc., ang producer ng “Eat Bulaga”, partikular na ang isyu sa pera at ang umano’y pagtatanggal sa ilang hosts ng show.
View this post on Instagram
Ibinuking ni Tito Sen na may tig-P30 million na utang ng TAPE kina Vic at Joey (talent fee para sa taong 2022). Hindi rin daw totoo na nalulugi ang “Eat Bulaga” kaya kailangang magbawas ng mga host at staff.
Kahapon, April 29, sa live episode ng “Eat Bulaga”, ay muling nagsama-sama ang iconic trio na sina Tito Sen, Vic at Joey de Leon para sa 69th birthday celebration ni Bossing.
Marami ang nag-abang kung magsasalita na rin ba sina Vic at Joey tungkol sa mga isyung bumabalot sa “Eat Bulaga”.
Baka Bet Mo: True ba, Sharon kinukuha sa bagong show nina Tito, Vic & Joey kapag nilayasan na ang Eat Bulaga?
Sa opening ng programa ay walang nabanggit si Vic tungkol sa mga kinahaharap na problema ng buong production. Pero may paandar ang veteran TV host-comedian para iparating sa publiko ang kanyang saloobin.
Sa pamamagitan ng suot niyang pulang jacket ay ibinandera ni Bossing ang mensaheng solid na solid pa rin ang samahan nila nina Tito Sen at Joey at walang sinumang pwedeng sumira rito.
“Sandali, may message muna ako. Siyempre, birthday message.
View this post on Instagram
“Isa lang ang message ko ngayong birthday kong ito, eto…” hirit ni Bossing sabay talikod para ipakita ang naka-print na mga letrang “TVJ” sa suot niyang pulang jacket.
“Yun na yon!” ang pahayag pa ng asawa ni Pauleen Luna.
Kasunod nito, humirit naman si Joey na bibigyan niya ng pera kung may makakakanta ng theme song ng katapat nilang programa sa ABS-CBN na “It’s Showtime” sa kanilang mga co-host. Ngunit wala ni isang kumasa sa kanyang challenge.
Bilang bahagi ng birthday celebration ni Bossing, isang mini-concert ang inihandog ng mga host ng “Eat Bulaga” kung saan kinanta ni Bossing ang mga classic songs na sumikat noong dekada ’70 na isinulat ng TVJ.
Ramdam na ramdam naman ang pagkakaisa at ang pagmamahal sa isa’t isa ng mga hosts ng show habang kinakanta ang theme song ng “Eat Bulaga”. Kitang-kita rin ang pagiging emosyonal ng ilang Dabarkads sa nasabing production number.
Samantala, abangers na ang lahat kung matutuloy ba ang pinaplanong mga pagbabago ng mga may-ari ng TAPE Inc., sa makasaysayang noontime show sa bansa.
Kiray Celis: ‘Wag mong kwestiyunin kung saan ka nagkulang
Mag-asawang kilala sa showbiz madalas nang mag-away, hindi na nagsasama sa isang kuwarto
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.