Mag-asawang kilala sa showbiz madalas nang mag-away, hindi na nagsasama sa isang kuwarto | Bandera

Mag-asawang kilala sa showbiz madalas nang mag-away, hindi na nagsasama sa isang kuwarto

Reggee Bonoan |February 02,2022
facebook
share this

Mag-asawang kilala sa showbiz madalas nang mag-away, hindi na nagsasama sa isang kuwarto

Reggee Bonoan - February 02, 2022 - 03:22 PM

Sino sila? Hula-hula na!

SITSIT ng taong nakakasama ng mag-asawa na kilala rin sa showbiz ay nagkakaroon na sila ng gulo dahil sa malaking problemang kinakaharap nila ngayon na pati ang trabaho nila ay nadadamay na rin.

Ang kuwento sa amin ng source, “Madalas silang mag-away ngayon na dati sagutan lang kasi nga may malaking isyu silang kinakaharap ngayon, e, out of control na, so, nauuwi sa away. 

“Pero marunong naman silang magdala dahil kapag may ibang tao silang kaharap, ipinapakita nilang okay sila,” sabi sa amin.

Ang lalaking personalidad ay sangkot sa malaking gulo na noon pa pinayuhan ng asawa na ayusin na para hindi na lumaki pa.

Nakakatsika namin ang mag-asawa noon sa kani-kanilang projects at okay naman sila kaya nu’ng may narinig kaming isyu ay nagulat kami dahil hindi namin akalain na sangkot sila. 

Sabagay matagal na panahon na rin naming hindi sila nakakatsika kaya marami na rin sigurong pagbabago sa kanila.

Kinumusta namin ang mga anak ng mag-asawa kung aware ba sila sa gusot ng magulang nila.

“Okay naman ang mga bata, nakakaramdam at pag hindi sila okay na nakita kinakausap na pagod lang sila sa work,” kuwento sa amin.

Sa kasalukuyan ay hindi raw muna nag-uusap ang mag-asawa at hiwalay sila ng kuwarto dahil kapag nagsama nga ay laging nagka-clash.

Anyway, sana maayos na ng mag-asawa ang pinagdaraanan nila dahil sayang naman ang ilan taon na rin  nilang pagsasama, idagdag pa ang kapakanan ng kanilang mga anak.

Misis ng aktor walang ginawa kundi tumalak: Hindi na kami magtataka kung maghiwalay sila!

Aktor laging nakatambay sa casino: Before midnight nawawala siya, after two hours nandoon na uli siya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending