Pauleen Luna kay Vic Sotto: You are God’s gift to me and to so many people
PUNUNG-PUNO ng pagmamahal ang mensahe ni Pauleen Luna sa kanyang asawang si Vic Sotto.
Ngayong araw, April 28, ipinagdiriwang ni Bossing Vic ang kanyang ika-69th birthday.
Ibinandera naman ni Pauleen sa kanyang Instagram page ang isang video ng mga halo-halong happy moments ni Bossing kasama si Tali at iba pa.
“To my soulmate, you are God’s gift to me and to so many people. I hope that you continue to make the people around you happy. Thank you for sharing your love to all of us,” pagbabahagi ng TV host-actress.
Dagdag pa ni Pauleen, “My heart still beats fast for you, my love. My one and only, happy happy birthday. I love you, forever!”
Marami naman ang nagpaabot ng pagbati para sa “Eat Bulaga” host gaya nina Miles Ocampo, Ryan Agoncillo, Ai Ai delas Alas, Sharon Cuneta, Bea Alonzo at ng panganay nitong si Danica Pingris.
View this post on Instagram
“Happy birthday Daddy,” comment ni Danica sa post ni Pauleen.
Sey naman ni Ryan, “Happy Birthday Bossing! Mwah Mwah Tsup Tsup.”
Baka Bet Mo: Pauleen ibinandera ang 10 taong relasyon nila ni Bossing: Know that in this life, I will always choose you
“Happy birthday Tito Vic! I love and miss you,” saad naman ni Sharon.
Matatandaang sa kabila ng napakaraming kumukwestiyon ng relasyon nina Pauline at Bossing dahil sa kanilang 34-year gap ay mas nangibabaw ang kanilang pagmamahalan at nagpakasal noong January 2016 sa St. James The Great Parish Church sa Alabang.
2017 naman nang isilang niya ang kanilang panganay na anak na si Tali.
Bukod kay Tali, may apat pang anak si Vic. Ito ay sina Danica, Oyo Boy, Vico, at Paulina.
Related Chika:
‘Pagkamatay’ ni Bossing Vic na naka-post sa isang FB account fake news!
Pauleen Luna sa mga nag-uusisa sa tawag ng mga anak ni Vic sa kanya: Huwag n’yong problemahin
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.