Pauleen Luna sa mga nag-uusisa sa tawag ng mga anak ni Vic sa kanya: Huwag n'yong problemahin | Bandera

Pauleen Luna sa mga nag-uusisa sa tawag ng mga anak ni Vic sa kanya: Huwag n’yong problemahin

Therese Arceo |September 09,2022
facebook
share this

Pauleen Luna sa mga nag-uusisa sa tawag ng mga anak ni Vic sa kanya: Huwag n’yong problemahin

Therese Arceo - September 09, 2022 - 01:46 PM

Pauleen Luna sa mga nag-uusisa sa tawag ng mga anak ni Vic sa kanya: Huwag n'yong problemahin
HINDI naman big deal para sa “Eat Bulaga” host na si Pauleen Luna kung tinatawag siya ng mga anak ng asawang si Vic Sotto on a first-name basis.

Sa recent YouTube vlog ni Camille Prats kung saan siya nag-guest ay natanong siya kung ano nga ba ang tawag sa kanya ng mga anak ni Vic.

“My name. I have no issues with it,” diretsang sagot ni Pauleen.

Aniya, marami raw sa mga netizens ang nagtatanong sa kanya patungkol sa kung paano siya i-address o tawagin ng mga anak ni Bossing pero sinabi niyang wala namang isyu sa kanya kung tawagin siya ng mga ito sa kanyang pangalan.

“Andaming nagtatanong, ‘Ah, bakit ganyan?’ You know, wala akong isyu, huwag niyong problemahin,” saad ni Pauleen.

Dagdag pa niya, “May pangalan ako. Okay na iyon.”

Natanong rin ni Camille kung natawag ba siya na “Tita”, o “Ate”, o “Mudrabels”.

Sey ni Pauleen, “I’m very much okay with just my name. Okay naman iyon. Alam mo, there’s more to that. Hindi naman lang iyon ang basehan na nirerespeto ka nila.”

Hindi rin naman kasi nagkakalayo ang edad niya sa edad ng mga anak ni Vic.

Matatandaang bukod sa anak ni Bossing Vic kay Pauleen na si Tali, may apat pa itong mga anak.

Ito ay sina Danica Sotto-Pingris (40), Oyo Boy Sotto (38), Pasig Mayor Vico Sotto (33), at Paulina Sotto-Llanes (31).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto)

Chika pa ni Pauleen, maayos ang kanyang relasyon sa mga anak ni Vic.

“I’m gonna quote Danica. Sabi niya, ‘Lahat ito, this is all organic. Walang pinilit, walang pinuwersa.’ Kumbaga, everything fell into place. Siyempre, mahal ko sila lahat. Anak sila ng asawa ko, e. That will never change,” pahayag ni Pauleen.

Dagdag pa niya, “They are my stepchildren. Kahit anong mangyari sa mundo, kahit mabaliktad man ito, mahal ko sila. Pamilya ko sila. That will not change.”

Hirit pa ni Pauleen, hindi raw magbabago ang kanyang tingin sa mga ito kahit ano pa ang challenges ma kanilang kaharapin.

“My intentions will always be good for them,” giit pa niya.

Related Chika:
Pandemic hugot ni Pauleen Luna: Natutunan ko talaga na napakaikli lang ng buhay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pauleen nagpasalamat kay Lord dahil ibinigay sa kanya si Bossing: 6 years ago, I married the man I love

Pauleen ibinandera ang 10 taong relasyon nila ni Bossing: Know that in this life, I will always choose you

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending